WALANG duda na nabago ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa buong mundo nang magsimula ang pandemya ng Covid-19 noong Marso 2020. Sa loob na isang taon at mahigit walong buwan, sari-saring uri ng lockdown at community quarantine ang naranasan ng mga tao sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas. Walang ligtas, mayaman man o mahirap.
Hindi makalabas o makapamasyal gaya ng dati nang ginagawa kasi walang mga taksi, jeep at bus. Kahit tricycle, isang tao lang ang pwede sumakay. Para sa mga kumpanya at mga empleyado, nauso ang “work-from-home,” sa mga paaralan, guro at estudyante, nauso ang “blended learning“ na ang tawag ng iba ay “learn-from-home” o “online learning.”
Sa loob ng panahong ito, hindi na-enjoy ng mga tao ang “summer” season (oops, wala pong summer season sa Pilipinas kundi “dry” season lang) kaya hindi nakapunta sa mga beach, hindi nakapag-bikini ang mga girls to show off their whistle-bait figure. Walang buffet, hindi makakain at ma-experience ang “samgyeopsal,” sarado ang mga sinehan, pati ang mga mall. Kahit nga sa fast-food stores hindi makakain ang mga tao. Lahat panay delivery ng groceries at iba pang kailangan sa bahay.
Totoo, nawala ang mga iyon, pero hindi naman lahat!
Dahil nauso ang salitang “contactless” para maiwasan ang hawahan ng Covid-19, puma-imbulog ang lakas ng “digital world.” Maraming natutunan ang mga tao na hindi nila inakalang matututunan nila. Nauso ang mga salitang “e-commerce,” “online banking/online payment,” “video streaming,” at kung ano-ano pa. Ang mga hindi marunong magluto, mag-bake o magtanim ng halaman, natuto sa panonood ng YouTube. Iyong iba na nawalan ng trabaho, nakakuha ng inspirasyon kung anong negosyo ang pwedeng pasukan sa dahil sa panonood online. Iyong mga nag-nais makapag-dagdag kaalaman kahit nasa bahay lang, nag-aral ng online courses. Iyung iba nga, dati pangarap lang makapag-aral sa Harvard o Oxford pero nagawa ito na hindi kailangan magpunta sa Amerika o sa UK dahil sa online learning.
Basta naman may koneksiyon sa internet o makakabili ng data, marami kang maaaring magawa upang pagyamanin ang buhay.
So ano pa ba ang hindi pwedeng gawin sa “digital world” sa panahong ito? Para sa maraming mga Pilipino, nakabuti sa maraming aspeto ng kanilang buhay ang “digitalization” at marami ang naging pakinabang. Sa isang “CLICK” lang, pwedeng #GawingHiTech ang buhay at bihira na ang magsasabing “lintek na buhay ‘to!” Ang buhay ay magiging moderno sa maraming paraan dahil sa digital, at ang buhay sa bansa ay may potensiyal pang pagyamanin at paunlarin kung teknolohiya ang gagamitin.
Sa isang CLICK lang, pwedeng maging kasangkapan ang digital na pamamaraan upang mapaunlad ang buhay ng mas nakakarami at maiahon sila sa kahirapan. Sa isang CLICK lang, pwedeng bumuti ang buhay para sa isang magandang kinabukasan at para sa maunlad na Pilipinas. Sa isang CLICK lang, pwedeng magkaroon ng gobyernong high-tech ang pamamaraan upang paglingkuran ang bayan ng mas may dignidad at may katapatan, at maaalis din pati mga kawatan.
Sa isang CLICK lang, ok na yarn! Dahil sa CLICK, mayroon kang Computer Literacy, Innovation, Connectivity and Knowledge.
Paano? Follow CLICK on Facebook at ang iba pa nilang social media accounts.
Facebook, Instagram, TikTok, Twitter, Youtube: CLICK Partylist
LinkedIn: Partylist CLICK