in

Makabagong Valentina aabangan sa seryeng ‘Darna’ ayon kay Direk Chito S. Roño

Kasabay ng pag-arangkada sa taping ng “Darna: The TV Series” ang anunsyo na si Janella Salvador ang gaganap sa papel na Valentina na ayon kay Direk Chito S. Rono ay nababalot ng misteryo at naniniwala siyang magagampanan ito ng Kapamilya actress ng maayos.

Ayon pa sa box-office director, ibang-ibang Valentina ang mapapanood sa inaabangang serye na ipapalabas na sa 2022. “We’re modernizing Valentina time. Totally kakaiba sa dating Valentina,” masayang pagbabahagi niya.

“I haven’t really seen her [Janella] that much except for when she auditioned and I was kinda impressed. Hindi ako na-disappoint sa audition niya,” kwento ni Direk Chito. “I think she would do justice to the character of Valentina. Janella would not only be capable but also interesting to do that different kind of character.”

Samantala, ipinasilip na rin ng programa ang karakter ni Narda, ang human alter ego ni Darna na ginagampanan ng bidang si Jane De Leon, sa behind-the-scenes video na inilabas ng JRB Creative Production.

Nagdiwang din si Jane ng kanyang ika-23 kaarawan sa set noong Lunes (Nobyembre 22) na masayang ibinahagi ang excitement niya sa pagtatrabaho kasama ang bagong “Darna” family.

“Importante sa amin na dapat family kaming lahat and not just thinking about work but also thinking of friendships and also relationships namin sa isa’t-isa. The set is light and we’re just enjoying the moment,” kwento ng Kapamilya actress sa naging panayam niya sa Metro.Style.

Abangan ang latest sa “Darna,” sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter @JRBcreativeprod at sa Instagram @JRBcreativeproduction. Para sa iba pang balita tungkol sa ABS-CBN, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Concerts nina Maymay Entrata, Angeline Quinto, SB19, Ben&Ben, BINI, at BGYO mapapanood sa KTX.PH

Digital game show na ‘Showbiz Play Pa More,’ nagbabalik para sa Pamaskong papremyo