Ilan sa bigating OPM performers na sina Maymay Entrata, Angeline Quinto, SB19, BGYO, at BINI ang mapapanood sa KTX.PH para sa kani-kanilang concert treats ngayong Nobyembre hanggang Disyembre.
Mapapanood naman ang unang digital concert ni Maymay Entrata sa Biyernes (Nob.26) na pinamagatang “MPowered” kung saan makikita ng publiko ang kakaibang confidence ng dalaga sa kanyang concert. Sa halagang P899, maaring mapanood ang concert at makasama sa after party.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagpapalabas ng natitirang siyam na concerts ni Angeline Quinto na kasama sa kanyang “10Q: Ten Years of Angeline Quinto at the Metropolitan Theater.” Makakasama ni Angeline si Vice Ganda ng Biyernes (Nob.26) at Erik Santos naman ng Sabado (Nob.27). Pumunta sa KTX.PH para alamin ang iba pang guests ni Angeline at bumili na ng season pass sa halagang P3,000 para sa natitirang na concerts o hindi kaya P499 kada concert.
Live naman mula sa Araneta Coliseum mapapanood ang inaabangang third anniversary concert ng SB19 na “The Zone” sa Sabado (Nob.27) at Linggo (Nob.28). Isang treat nga para sa A’Tin ang concert dahil puno ito ng live performances, games, at ilan pang supresa. Sa mga gustong maging live audience at ma-stream ng live ang 2-day concert, Live Sound Check, magkaroon ng P1,000 worth of Gift Card na pwedeng ipambili sa SB19 Official Online Shop, at isang raffle ticket para manalo special prizes, available pa rin ang Zone19 ticket sa halagang P5,500. Sa halagang P4000 o tinatawag na Zone B ticket, maari pa rin ma-enjoy ang lahat ng nasabing perks ngunit hindi lang ang maging live audience member. Samantala sa mga gusto lang manood ng isang araw na concert, available rin siya sa halagang P1,000.
Huwag din palampasin ang unang back-to-back online music festivals na 1MX Dubai at 1MX Manila sa Dis.3 (Biyernes) sa halagang P499. Panoorin ang performances ng BGYO, BINI, Moira dela Torre, Gigi de Lana at marami pang iba.
Mangyayari naman sa Dis. 5 (Linggo) ang unang major online concert ng Ben & Ben na “Kuwaderno” na mapapanood ng LIVE sa Big Dome. Pwedeng ma-harana ng Ben & Ben sa zoom at makapunta sa Ben & Ben house ang bibili ng Tinatangi ticket sa halagang P8,000. Isang virtual backstage tour ang kasama ng Mahiwaga ticket sa halagang P5,500, meron naman libreng Ben & Ben merchandise ang bibili ng Magka-ibigan ticket sa halangang P3,500, o hindi kaya ang Kaibigan ticket kung saan magkakaroon ng access ang fans sa concert.
Abangan din ang mga handog nina Nina na “Nina: The Live Edition sa Nob.30 (Martes) hanggang Dis. 1 (Miyerkules), “Salubong” ng Sponge Cola, Aegis, at CLR sa Dis.10 (Biyernes) to Dis.11 (Linggo), “Evoluxion” ng Ex Battallion sa Dis. 11 (Sabado), Christmas concert nina Ogie Alcasid at Ian Veneracion na “Christmas with the Stars sa Dis. 11 (Sabado), “Holiday Serenade” ng WWF sa Dis. 17 (Biyernes) hanggang Dis. 19 (Linggo), “Sundin ang Loob Mo” ni Basil Valdez sa Dis. 18 (Sabado) to Dis. 19 (Linggo) at ang “The Company: The Christmas Roadtrip” ng The Company sa Dis. 25 (Sabado) hanggang Dis 26 (Linggo). Nagbabalik naman sa concert stage ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kasama ang asawang si Matteo Guidicelli sa “Christmas with the Gs” sa Dis. 18 (Sabado). Abangan ang paglabas ng ticket prices sa KTX.PH.
Sa mga gustong bumili ng ticket at sa mga naghahanap ng karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.ktx.ph.