in

Robi Domingo at iba pang kabataan, inilarawan ang ibobotong Pangulo sa ‘POV:XYZ’

Sumipa na ang mainit na talakayan tungkol sa Halalan 2022 sa pinakabagong podcast ng ABS-CBN News na “POV:XYZ” kung saan mga kabataan ang makakapalitan ng pananaw ng mga batikang mamamahayag na sina Tony Velasquez at Danny Buenafe.

Sa una nitong episode na “The Power of the Youth Vote,” naibahagi ng mga guest na sina Kapamilya host at youth advocate Robi Domingo, sikat na YouTuber na si Janina Vela, at ASEAN Youth Advocates Network founder Mirus Ponon ang mga katangian ng kanilang ibobotong pangulo.

“I want someone who is credible. Someone who’s a doer and a listener at the same time and who really knows what the Filipino people need and deserve cause we deserve better,” sagot ni Robi na kaisa ng Star Magic at Bayan Mo, iPatrol Mo sa paghihikayat sa mga Pilipino na magparehistro at bumoto sa eleksyon.

Para naman kay Janina, na apo ng yumaong aktres-TV host na si Helen Vela, kailangan ang kandidato ay mayroong “4 Cs” o character, competence, compassion, at good communication.

“I think my preferred candidate should embody what is good about the Philippines, not represent what is shameful about our past,” dagdag pa niya.

Nais naman ni Mirus maging pangulo ang kandidatong nagbibigay ng motibasyon sa kanya na mas mahalin pa ang Pilipinas.

“Selfless, tama ang intensyon, nakikinig sa tao, accountable, transparent, inclusive, nakakapagbigay ng inspirasyon sa ordinaryong mamamayang Pilipino tulad ko,” paglarawan niya sa kanyang pangulo.

Bago iyan, tinalakay din nila kasama sina Tony V at Danny B ang malaking papel na gagampanan ng kabataan sa darating na eleksyon at kung sang-ayon ba sila sa pag-a-unfriend sa mga kaibigan o pamilyang iba ang paniniwala sa politika.

Samantala, mga maruming taktika naman sa pulitika ang paksa sa ikalawang episode ng podcast noong Nobyembre 11 na pinamagatang “Game of Trolls.” Nakasama sa talakayan tungkol sa mga nagmamanipula ng diskusyon sa publiko ang miyembro ng Generation Y na si Renee Karunungan at ang yFACTph youth advocate na si Hannah Mae Tubalinal na mula namang sa Generation Z.

Mapakikinggan pa ang “The Power of the Youth Vote” at “Game of Trolls” na episodes ng “POV:XYZ” sa Spotify, ABS-CBN News App, at ABS-CBN Radio Service App.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘That’s Entertainment’ members nag-reunion sa musical film na ‘Yorme’

Gabby Concepcion, honored na mapabilang sa anniversary episode ng ‘Tadhana’