in

Pinoy mula sa iba’t ibang sektor, bida sa ‘Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa: Ang Christmas ID NG Mga Pilipino’ ng ABS-CBN

Mga Pilipino mula sa iba’t ibang sektor na nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa kabila ng mga hamon na dala ng pandemya ang ibinida sa “Andito Tayo Para sa Isa’t Isa: Ang Christmas ID ng Pilipino” ng ABS-CBN.

Kasama ang ilang Kapamilya stars, nagningning ang kwento ng mga pamilya, kabataan, guro, medical frontliners, OFWs, community heroes, drivers, economic frontliners, at safety and security personnel sa music video na inilunsad ngayong Biyernes (Nobyembre 12) ng gabi sa “TV Patrol.”

Sa kani-kanilang karanasan, pinatunayan nilang lahat na kayang lampasan ang mga pagsubok sa pamamagitan ng pananalig sa Diyos at pag-iral ng pagmamahal sa isa’t isa. Paalala ang mga kwento nila na may liwanag sa dulo ng mahaba’t madilim na landas basta’t sama-sama tayong nananalangin, nagtitiwala at nananatiling andito para sa isa’t isa. Ito rin ay handog para sa bawat Pilipino na nagsisilbing ilaw ng pag-asa sa iba’t ibang paraan, para sa lahat nang nagbabahagi ng sarili para sa kapwa.

Nakasama pa nila sa pagbabahagi ng kanilang kwento ang ilang bigating Kapamilya stars tulad nina Ogie at Regine Alcasid, Kathryn Bernardo, Andrea Brillantes, Sharon Cuneta, Seth Fedelin, Vice Ganda, Sarah Geronimo, Angel Locsin, Belle Mariano, Coco Martin, Martin Nievera, Daniel Padilla, Donny Pangilinan, Piolo Pascual, at Gary Valenciano.

Dahil tuwing Kapaskuhan tila naging tradisyon na ng mga Pilipino na gumawa ng kanilang bersyon ng Christmas CID, ngayong taon, inaanyayahan ang lahat na sumali sa gagawing #ChristmasIDChallenge sa social media.

Kailangan lang gamitin ang instrumental version ng awitin sa Facebook, Twitter, TikTok, YouTube Shorts, at Kumu Klips at ipakita ang sarili na kinakanta ang “Andito Tayo Para sa Isa’t Isa: Ang Christmas ID ng Pilipino.” Matapos mag-record ng video, ilagay sa caption kung kanino ito inihahandog at i-post sa social media gamit ang #ChristmasIDChallenge.

Nakapagtala ng isang milyong views sa YouTube at Facebook ang lyric video sa loob ng 24 oras mula nung unang ipinarinig ito noong Lunes (Nobyembre 8).

Sina Robert Labayen at Love Rose De Leon ng ABS-CBN Creative Communication Management (CCM) kasama si Thyro Alfaro ang nagsulat ng lyrics ng kanta. Likha nina Thryo at Xeric Tan ang musika, habang si Maria Lourdes Parawan ng CCM ang nagsalin sa Ingles ng mga salita para sa video. Nasa likod ng music video naman ang CCM sa pangunguna nina Robert, Johnny Delos Santos, at ABS-CBN chief operating officer of broadcast na si Cory Vidanes. Nagbigay suporta sa kanila sa pagbuo nito ang ABS-CBN Marketing, TV Production, News, Sales, at ABS-CBN Foundation.

Narito ang mga bumubuo sa 2021 Christmas ID Creative and Production Team: Overall Head of Production Sheryl Ramos, Main Producer Mark Angelo Bravo, Branded Vignettes Producer Revbrain Martin, Production Core Team: Love Rose De Leon, Adrian Lim and CCM Operations and Traffic Head Tess Perez-Mendoza. Production team members: Creative Account Director Roda Baldonado, Christian Faustino, Anna Charisse Perez, Edsel Misenas, Maria Lourdes Parawan, Kathrina Sanchez, Lawrence Arvin Sibug, Mark Raywin Tome, Juan Carlos Bautista , Camille Brinquez, Franciesca Cruz, Winter Delos Reyes, Mariah Krizaeda Rivera, Dianne Monique Oliviar, Josephine Pelagio-Pablo, Katherine Panganiban and Technical Producer Dhalia Mae Ga-as. Dance steps choreographed by Winter Delos Reyes and Camille Brinquez.

Nagsilbi namang Main Editor si Glenn James Albaytar, kasama sina Editor Jaimee Jan Agonia, Editing and Post Production Heads Maria Concepcion Salire and Mark Gonzales. Graphics was designed and animated by Motion Graphics Head Alfie Landayan, Motion Graphics Specialists Karlo Emmanuel Victoriano and Ian Paul Santos with support from Graphic Design Specialists Regine Binuya-Bague, Raphael Laureta and Audio Production specialist Alvin Mendoza. Logo design by Ian Paul Santos.

Ang mga kwento nina Christian Baluyot, Rodrigo Laganzon at Helen Uvas ay nabuo sa tulong nina Regina Ann Selibio with Cameraman Ramel Gaddi at Assistant Cameramen Roland Padla at Freddie Valenzona. Ang kwento ni Jones Bajamundi ay na-produce nina Karren Canon kasama si Cameraman Pio Poñado Jr.; Ang kwento ng mga guro mula sa Del Castillo Elementary School, Sara Iloilo, way na-produce ni Joven Escaniel.

Isang collaborative work ng mga direktor ng ABS-CBN ang “Andito Tayo Para sa Isa’t Isa: Ang Christmas ID ng Pilipino” kasama ang 8th St. Cinema directors para sa vignettes na ginawa nina Paolo Ramos, Jhon Andrei Antonio, Mark Dominique Antonio at Karl Angelo Montenegro. Drone shots naman ay gawa nina Martin “Val” Cuenca kasama ang ilang videos mula kay Jacque Manabat, ABS-CBN Global at ABS-CBN Regional. The 8th Street Cinema Team is composed of Production Manager Angela Suarez, Producer Elai Blando, Production Assistants Cristobal Bacal, Roman Coloma at Utoy Quinto; Talent Casters Mary Jane Calapatia at Madelyn Caadan, Location Managers Jobe Salonga, Bhilly San Roque, Jhong Perez, Krysta Herran, Make-up Artist Joshua Obedeza, Production Design Team Sam Esquillon, Hannah Abdul, Alvin Dy Lusanta, Teng Cortez, Reggie Cortez, Francis Gonzalez, Jay Mark Abaygar, Jenervin Urdaneta, Erickson Madelo, Christopher Cruz, Jason Uyangorin, Emar Arroyo, Bernard Juliano, Mon Garcia and Mel Boliver, Utility and Catering Melanie Quinto, Robert Geres, Marilou Antonio, Tere Antonio and Toffer Dulla, Regional Production Team Ashley Abayan and Jeric Garcia, Service Crew Rickki Guarino, Jhade Dizon, Erwin Brieta, Edward A. Cruz at Jefferson Binayug, Safety Officer Marianne Guliyev.

Panoorin ang “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa: Ang Christmas ID ng Pilipino” music video sa mga cable channel ng ABS-CBN tulad ng Kapamilya Channel at online sa Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN Entertainment Facebook page at YouTube channel at iba pang digital platforms ng ABS-CBN.

Para sa ibang balita tungkol sa ABS-CBN, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Carlo Aquino, iniwan si Erich Gonzales, kakampi na ni Lukas sa ‘La Vida Lena’

Janine Berdin, relatable ang bagong single na ‘Pagod Na Ako’