in

Laging maliwanag ang Pasko sa GMA Network 2021 Christmas station ID

Patuloy mang sinusubok ang katatagan ng mga Pilipino, nananatili pa ring kasama nito ang GMA Network para siguraduhing makulay at maliwanag ang pagdiriwang ng Pasko.

Ipinalabas na nitong November 12 ang 2021 GMA Christmas station ID (CSID) na taun-taong inaabangan ng Kapuso viewers. Sa temang “Love Together, Hope Together,” nagsilbi rin itong reunion para sa Kapuso artists at News and Public Affairs personalities ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Mapapanood sa Christmas SID sina GMA News pillar Jessica Soho, Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, at Asia’s Multimedia Star Alden Richards. Kasama ng mga naglalakihang artista at personalities, pinakita rin sa special vignettes ang Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista at isa sa mga pinakabagong Kapuso na si Bea Alonzo.

Makikita silang nagsusulat ng messages of hope sa papel na hugis puso at sinasabit sa isang ‘tree of hope.’ Nagsisilbi itong paalala sa ating lahat na kahit anumang unos ang dumaan, pagmamahal pa rin ang pinakamagandang regalo para sa bawat isa ngayong Pasko. Patunay rin ito sa kahalagahan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa dahil nakakatulong itong mapanatili ang pag-asa sa ating puso at maipadama ang pagmamahal ng Diyos lalo na ngayong Pasko.

Mas lalo pang naging unforgettable ang bagong Kapuso Christmas offering dahil sa jingle mula sa talented Kapuso singers na pinangunahan nina Julie Anne San Jose, Lani Misalucha, Aicelle Santos, at Christian Bautista. Ang “Love Together, Hope Together” ay mula sa komposisyon at areglo ni Simon Peter Tan at titik nina BJ Camaya, Emman Rivera, at Jann Lopez. Available rin ito for streaming worldwide sa Spotify, Apple Music, at YouTube Music.

“Sa kabila ng lahat ng pagbabago, isang bagay ang hindi nagbago. Ikaw, ikaw na laging nasa tabi ko. Laging maliwanag ang Pasko if we love together, hope together. Laging makulay ang Pasko if we love together, hope together,” – simple lang pero napaka-powerful ng mensaheng inihahatid nito tungkol sa pagiging nariyan para sa bawat isa. At gaya ng kanta, pinapatunayan din ng Kapuso Network na kasama ito ng bawat Pilipino sa anumang sitwasyon.

Hangga’t may pagmamahal at pag-asa sa puso ng bawat isa, lagi ngang magiging mas maliwanag at mas mabuti ang Pasko kapag nagsama-sama ang mga Pilipino.

Panoorin ang 2021 GMA Network 2021 Christmas Station ID sa official GMA Network Facebook at YouTube accounts, o sa official website www.gmanetwork.com.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Ika-anim na taon ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ ipagdiriwang ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

Carlo Aquino, iniwan si Erich Gonzales, kakampi na ni Lukas sa ‘La Vida Lena’