in

Mga netizen, tuwang-tuwa sa pagbabalik-TV ng Yey

Tuwang-tuwa ang mga netizen sa pagbabalik-TV ng YeY sa pamamagitan ng Jeepney TV at Kapamilya Channel para maghatid ng masasaya at educational na mga palabas para sa mga chikiting buong linggo.

Tamang-tama na sumabay ito sa National Children’s Month. Simula noong Sabado (Nob. 6), napapanoood na muli ang mga kinagigiliwang kiddie show ng YeY sa “YeY Weekdays” at “YeY Weekend” blocks ng Jeepney TV, pati na sa “YeY Weekend” ng Kapamilya Channel.

“Ito talaga miss ng anak ko,” saad ng magulang na si Janice Marquez Esposo sa kanyang comment sa official Facebook page ng YeY.

“Yehey! Tuwang-tuwa na naman ang mga pamangkin ko,” ayon din sa Facebook comment ni Estacio Galo Cris.

Pagbabahagi naman ng inang si Analou Ducusin, “Miss na miss na kayo ng bunso ko. ‘Pag may hawak siyang gadyet, deretso siya sa YouTube para lang pakinggan ang theme song ng ‘Team YeY.’ Excited na kami ka-Team YeY.”

Hiling naman ng netizen na si Chris Sean Ncornale, sana bumalik ang YeY Channel sa TV para buong araw makapag-bigay saya sa kabataang Pilipino.

“Sobrang nakaka-miss na talaga ang YeY Channel sa TV… Sana bumalik na ‘yung sarili nitong channel para palabas ang mga programa nito all day, every day,” aniya.

Nawala man ito sa digital TV noong nakaraang taon, patuloy ang YeY sa paghahatid ng saya online sa mga kabataang Pinoy kahit ngayong pandemya. Nasa Kumu app din ang “Team YeY Live” na may bagong episodes tuwing Sabado ng 11 AM.

Mapapanood na ng mga chikiting buong linggo sa TV ang paborito nilang animated shows, tulad ng “Kongsuni and Friends,” “Johnny Test,” at “Max Steel,” pati ang mga Kapamilya kiddie program na “Team YeY” at “Goin’ Bulilit” sa “YeY Weekend” and “YeY Weekdays” block ng Jeepney TV. Mapapanood din ang “YeY Weekend” tuwing Sabado, mula 6:00 hanggang 7:40 ng umaga, sa Kapamilya Channel.

Palabas din ang YeY-loved shows sa free TV sa “Kidz Weekend” block ng A2Z, tampok ang mga programang “Peppa Pig,” “Rob the Robot,” “Team YeY,” at “Goin’ Bulilit.”

Para sa updates, bisitahin lamang ang YeY sa Facebook (fb.com/yeychannel), Instagram (@yeychannel), TikTok (@yey.channel), at YouTube account nito (youtube.com/yeychannel). Mapapanood din ng mga bata ang mga paborito nilang YeY show sa Just Love Kids website ng ABS-CBN Entertainment sa ent.abs-cbn.com/justlovekids.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Albie Casiño, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, at KD Estrada pwedeng ma-evict sa ‘PBB Kumunity’ ngayong Sabado

Andrea Brillantes at Francine Diaz kakapit kay Bro hanggang dulo sa ‘Huwag Kang Mangamba’