in

YouLOL, may handog na Halloween special!

Maghahalo ang katatawanan at kababalaghan ngayong Halloween sa ‘Kuwentong Tililing,’ ang newest online offering ng official comedy channel ng Kapuso Network na YouLOL.

Tampok sa pinakabagong online content ang animated short anthology na produkto ng mahuhusay at talentadong writers ng GMA-7 comedy group na sina Tata Betita at Renei Dimla. Sila rin ang nagsisilbing animators ng Kuwentong Tililing habang si Sheba Strange (Sheba Gopita) naman ang narrator ng mga kuwento.

Maliban sa kanilang nalalapit na Halloween special, bibida rin sa Kuwentong Tililing ang ilan pang wacky at weird tales na tiyak na kikiliti sa imahinasyon ng viewers.

Samantala, kamakailan din ay pumalo na sa 800,000 ang subscribers ng YouTube channel ng YouLOL. ‘Wag palagpasin ang Kuwentong Tililing, soon sa YouLOL!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong Thai BL series na ‘Bad Buddy,’ libre sa iWantTFC

Rachel Alejandro ibinibida ang Classic OPM Hits sa comeback album