May panibagong pagkakataon ang mga Pilipino na makahanap ng trabaho bago matapos ang taon sa gaganaping virtual career fair ng TrabaHanap ngayong Sabado (Oktubre 30) kasama si KaladKaren.
Magsisimula ang TrabaHanap Virtual Career Fair ng 4 pm sa TrabaHanap Facebook page (@TrabaHanapOfficial), kung saan napapanood ang online job-hunting show ni KaladKaren na “Trabahanap Live.”
Para makalahok, kailangan lang gumawa ng account at mag-upload ng resume sa website na www.TrabaHanap.com, kung saan makikita rin ang iba-ibang job opening sa mga kumpanya at mga industriya.
Kamakailan lang, mas lalo pang pinaganda ang TrabaHanap.com dahil sa bagong features nito na makakatulong sa sinumang naghahanap ng papasukang trabaho. Mayroon ditong resume builder, salary calculator, at application status tracker, at iba pang magagamit ng TrabaHunters sa kanilang job-hunting.
Bukod sa TrabaHanap Facebook page, mapapanood rin ang TrabaHanap Virtual Career Fair sa Facebook pages ng CineMo, MORe-Luzon, MORe-Visayas, MORe-Mindanano, TFC Official, TFC Asia, at TFC Middle East. Pwede rin ito panoorin sa @FYEchannel gamit ang Kumu app at sa YouTube channel ng CineMo.
Isang proyektong public service ng CineMo ang TrabaHanap na nagsimula noong 2017 bilang classified ads na ipinapakita sa dulo ng mga pelikulang pinalalabas sa channel. Noong 2019, inilunsad ang TrabaHanap website para maging tulay sa pagitan ng mga naghahanap ng trabaho at mga kumpanyang may mga job opening. Nakilahok rin sa mga job fair sa iba-ibang panig ng Pilipinas ang TrabaHanap para sa mga walang access sa internet at nagdaos ng una nitong virtual job fair para sa mga naghahanap ng trabaho ngayong pandemya noong Hunyo 11.
Nitong 2021 nagsimulang maging “fairy godmother” ng mga TrabaHunters si KaladKaren bilang host ng “TrabaHanap Live” kung saan nagtatampok siya ng mga nakakuha ng trabaho sa tulong ng TrabaHanap.com at nagbibigay rin ng tips para mas mapadali ang paghahanap ng trabaho. Dito rin niya nakakausap ang ilang mga kumpanyang may alok na mga trabaho sa mga Pilipino.
Para sa iba pang impormasyon sa TrabaHanap at TrabaHanap Virtual Career Fair, bumisita sa opisyal na TrabaHanap Facebook page (fb.com/trabahanapofficial) at ang opisyal na event page (https://fb.me/e/1RWQuAxl1) o pumunta sa www.TrabaHanap.com.
Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bumisita sa www.abs-cbn.com/newsroom.