in

Janine Gutierrez, nakipaghiwalay kay Paulo Avelino sa ‘Marry Me, Marry You’

Patong-patong na problema nina Camille at Andrei (Janine Gutierrez at Paulo Avelino) ang magiging dahilan ng hiwalayan nila ngayong linggo sa “Marry Me, Marry You,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Ngayong alam na ni Camille ang katotohanang nanay ni Andrei ang ninang at pangalawang ina niyang si Elvie (Cherry Pie Picache), nahihirapan siyang lumugar sa away ng mag-ina. Gusto kasi ni Camille na patawarin na ni Andrei si Elvie pero matindi pa rin ang hinanakit ni Andrei sa kanyang ina.

Dumagdag din sa away ng magkarelasyon si Patricia (Iana Bernardez), ang ex-girlfriend ni Andrei, na nahuli ni Camille na naliligo at nakahubad sa bahay ni Andrei.

Poproblemahin din ni Andrei ang pagtatraydor sa kanya ng best friend niyang si Cedric (Jake Ejercito), dahil para masulot si Camille, buburahin nito ang ebidensyang magpapatunay na hindi niloko ni Andrei si Camille. Bukod pa riyan ay kukuntsabahin ni Cedric si Emilio, ang ama ni Andrei, sa isang negosyong maaaring magpabagsak sa kumpanya ni Andrei.

Magkamabutihan na nga kaya sina Camille at Cedric ngayong hiwalay na siya kay Andrei?

Subaybayan ang “Marry Me, Marry You” gabi-gabi ng 9:25 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Marry Me, Marry You.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Maymay Entrata, may payo sa mahina ang kumpiyansa sa sarili sa ‘Amakabogera’

Kaladkaren, mangunguna sa Trabahanap Virtual Career Fair ngayong Sabado