in

Tony Velasquez at Danny Buenafe, kasama ang kabataan sa usapang halalan sa ‘POV:XYZ’

Ano ang mangyayari kapag nagsama ang mga Pilipino mula sa magkaibang henerasyon upang pag-usapan ang 2022 Philippine national elections? Alamin iyan ngayong Huwebes (Oktubre 28) sa paglulunsad ng kauna-unahang Halalan podcast ng ABS-CBN News and Current Affairs na “POV:XYZ.”

Sa pangunguna nina Tony Velasquez at Danny Buenafe, tatalakayin sa “POV:XYZ” ang iba-ibang isyu kaugnay ng parating na eleksyon kasama ang mga miyembro ng kabataang Pilipino. Dito malaya silang makikipagpalitan ng kuro-kuro at kwento sa dalawang beteranong mamamahayag na ilang eleksyon at administrasyon na rin ang nasaksihan sa kanilang deka-dekadang karera.

“Gusto natin alamin ang mga saloobin o takbo ng isip ng mga kabataan and at the same time, we can also share our experiences dahil matagal na rin tayong kumocover ng halalan,” ani Danny, ang dating hepe ng news bureaus ng ABS-CBN sa Europe at Middle East.

“Sana ito ay magagamit nilang gabay para sila naman ay makakapili ng mabuti at mauunawaan kung ano yung mga isyu na dapat nilang unawain. Para talagang makapili sila ng pinakamabuting kandidato na ihahalal nila sa 2022,” ani Tony, na nagsilbing anchor sa maraming programa ng ABS-CBN News and Current Affairs.

Makakasama nila sa unang episode ng “POV: XYZ” na pinamagatang “The Power of the Youth Vote” ang Kapamilya host at youth advocate na si Robi Domingo, ang sikat na YouTuber at influencer na si Janina Vela, at ang ASEAN Youth Advocates Network founder na si Mirus Ponon.

Aktibo ang tatlo sa paggamit ng kanilang mga kakayahan at plataporma upang hikayatin ang mga kabataan na magparehistro para bumoto at maging maalam sa mga isyu kaugnay ng halalan.

Naniniwala sina Tony at Danny, na magkatambal din sa “On the Spot” sa TeleRadyo, na mahalaga ang papel ng mga kabataan sa paghubog ng kinabukasan ng bansa.

“Karamihan sa mga boboto sa halalan ang malaking bulto po nun ay galing sa sektor ng kabataan. Kaya mahalaga na mas mapalawak natin ang kanilang isipan, mas mapalalim natin ang kanilang pang-unawa sa mga isyu patungkol sa halalan, sa pulitika,” sabi ni Tony.

Dagdag ni Danny, malaki rin ang maitutulong nila sa paglaban sa pagkalat maling impormasyon online.

“Sa tulong nga mga kabataan na magaling sa social media, sila ‘yung magbibigay ng liwanag o kaliwanagan doon sa mga isyu na talagang tama. Kasi hindi sapat yung mainstream media. We need right information sa panahong ito para mapili natin ang tamang kandidato.”

Mapakikinggan ang “POV:XYZ” sa Spotify, ABS-CBN News App, and ABS-CBN Radio Service App. Kasama ito sa dumaraming podcast mula sa ABS-CBN News kabilang ang “ANC After the Fact” ni Christian Esguerra, “ANC Market Edge” kasama si Michelle Ong, the ANC podcast, “ABS-CBN News Flash” kasama si Karmina Constantino, at ang sports podcast na “Post-Game.”

For news, follow @ABSCBNNews on Facebook, Twitter, and TikTok, go to news.abs-cbn.com, and subscribe to the ABS-CBN News YouTube channel. You may also download the ABS-CBN News App and the ABS-CBN Radio Service App.

For updates on ABS-CBN, follow @ABSCBNPR on Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok or visit www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Netizens at housemates, emosyonal sa kwento ni KD Estrada tungkol sa kanyang pinagdaraanan

Andrea Brillantes at Francine Diaz, matupad kaya ang misyon kay Bro sa ‘Huwag Kang Mangamba’?