Nanganganib ang misyon nina Mira at Joy (Andrea Brillantes at Francine Diaz) kay Bro dahil sa lumalaking sigalot sa pagitan ng mga nanampalataya at mga nagbubulag-bulagan sa Kapamilya inspirational teleseryeng “Huwag Kang Mangamba.” Magawa kaya nilang pagbuklurin ang buong Hermoso at ibalik ang pananalig ng mga tao kay Bro para masimulan na ang paghihilom ng bayan?
Abangan ang laban ng kabutihan at kasamaan sa huling tatlong linggo ng “Huwag Kang Mangamba” sa Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, WeTV, at iflix.
Mahihirapan sina Mira at Joy sa misyon nila dahil tuluyan nang mahihibang ang pekeng faith healer na si Deborah (Eula Valdes) at aangkining siya talaga ang totoong diyos. Idadaan din ni Deborah sa karahasan ang paghihiganti laban sa magkapatid at lahat ng taong kumakalaban sa kanya.
Ngunit bago ito, dadaan sa matinding pagsubok ang samahan nina Mira at Joy dahil patuloy na lalayo ang loob nila sa isa’t isa. Dahil nararamdaman ni Joy na wala siyang kakampi, tatalikuran niya si Mira at aanib sa kulto ni Deborah.
Kailangan ding makahanap ng grupo nina Mira at Joy ng matibay na ebidensyang magpapatunay na ginagamit ni Deborah ang posisyon niya para magpayaman sa pamamagitan ng mga iligal na gawain kasama ang mayor na si Miguel (RK Bagatsing).
Maipakita kaya nina Mira at Joy ang liwanag sa mga taga-Hermoso? Matupad kaya nila ang misyon kay Bro na maibalik ang pananampalataya ng mga tao kay Bro?
Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa A2Z at TV5 ang mga bagong episode ng “Huwag Kang Mangamba.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.