in

20 Finalists ng Online Comedy Star Search ng FYE na ‘Laugh Laban,’ handa nang magpasaya

Pinangalanan na ang 20 finalists ng online comedy contest ng FYE channel sa kumu na “Laugh Laban” na magtatagisan para maging pinakabagong comedy star na maghahatid ng saya at katatawanan sa mundo.

Pasok sa unang batch si Leland Lim, isang writer sa umaga at stand-up comedian at heart mula Pasig City; Christian Consing, ang “Funny Reklamador” mula Makati City; Dale Constantino, ang “Next Joke” mula Olongapo City; Mark San Pascual, ang “Komikero” ng Marikina City; at Pao Espineda, isang host-comedian-vlogger mula San Pablo City, Laguna.

Kasama rin sa qualifiers sina Jazz Billy Fadallan, 25-anyos na tatay mula San Pablo city, Laguna; Sandy del Rosario, ang “Bruno sa umaga, Mars sa gabi” mula Pasay City; Nhouie Collins, dating “Singing Butanding Stand-up” na ngayon ay isa nang “Social Climber Sitting Comedian” mula Laguna; at Regienald Guevara, ang “FunChub” ng Cavite.

Nagpasiklab sa kumu ang top 9 noong pilot episode ng “Laugh Laban” sa harap ng host na si Alex Calleja at mga judge na sina Ahwel Paz at Nikki Valdez, kung saan nagkaroon din ng pagkakataong maghayag ng reaksyon ang kumunizens sa comments at pagse-send ng virtual gifts gaya ng ‘LaughPAK’ o ‘Laglag’.

Nitong Biyernes (Oktubre 22), ipinakilala na rin ang pangalawang batch ng top 20 na sina Jeffrey Ancheta, isang teacher sa umaga, komedyante sa gabi; Francis Gabriel Belen, isang longtime Pinoy comedy fan na nagtatrabaho bilang BPO manager mula Las Piñas; Jerricho Calingal, ang “BakClash na hindi Aatrash”; Dawit Tabonares, ang “Bisayang Komedyante” mula sa South; ang Comedy kumu Team na layuning maghatid ng good vibes sa kumunity; at Ron Oliver Ucol, dating tambay na naging OFW na naging tambay uli.

Pasok din sina Cedi Rendon, ang “Boy Kulit” mula Lipa, Batangas; Diana Ong, ang “Konyong Jologs” na pro-positivity; Jrald Luces, isang ‘baby face’ writer mula Quezon Province; Mark Llamado, ang “Komedyanteng Sakto Lang,” at Truman Besillas na isang stand-up comedian sa mga bar.

Pinili ang mga nakapasok na komedyante ng pool of creatives na pinangungunahan ni Alex mula sa mga isinubmit na entries sa website ng Jeepney TV.

Mula sa 20 finalists, 12 lang ang aabante sa susunod na round kung saan hahatiin ulit sila sa dalawang batch para sa live face-off. Pagkatapos ng head-to-head battles sa mga susunod na linggo, papangalanan na ng “Laugh Laban” ang bagong comedy star na mananalo ng P100,000, contract sa FYE, at bibida sa isang palabas kasama si Alex.

Tutok na sa “Laugh Laban” sa FYE channel sa kumu kada Biyernes, 10PM! I-download ang kumu app at sundan ang @fyechannel (app.kumu.ph/fyechannel). Para sa iba pang detalye, sundan ang @fyechannel sa Instagram.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kim Chiu, nagpasiklab sa unang taon sa ‘It’s Showtime’

Sofia Andres, nabaliw sa selos, muntik sagasaan si Erich Gonzales sa ‘La Vida Lena’