Hindi lang on-air dahil pati sa social media platforms ay talaga namang ‘sakalam’ o malakas ang award-winning Kapuso newscast na 24 Oras. Ang 24 Oras lang naman kasi ang kauna-unahang newcast sa bansa na may local livestream sa Tiktok.
Ibig sabihin lang nito, napapanood na rin sa video-sharing app ang nasabing programa. Nagsimula ang livestream nitong October 11. Last month lang opisyal na ipinakilala sa TikTok ang account nitong @24Oras pero humatak agad ito ng 691,000 followers habang may more than 5M likes at 276.5 million views na ito as of October 14.
Patok din sa netizens ang #24OrasChallenge kung saan may chance kang maka ‘duet’ o makasama ang iyong favorite 24 Oras anchors sa paghahatid ng balita. Humigit 47.7 million views at more than 21,000 duets ang nagawa sa mga published challenge videos. Ilan sa mga Kapuso personalities na naki-join sa challenge ay sina Mariz Umali, Drew Arellano, Joseph Morong, Oscar Oida, Victoria Tulad, Aubrey Carampel, at pati na si Jessica Soho—na mayroong pinaka viral na duet na may 1.2 million views at 164,300 likes and counting!
Patunay lang ito sa galing ng 24 Oras na gamitin ang mga nauusong social media platforms para maghatid ng balita at impormasyon sa mas nakararami lalo na sa mga Gen Z na laging online. Congrats, 24 Oras!