in

GMA Network, may 1 medal at 5 Finalist Certificates mula sa NYF Awards!

Patuloy ang pamamayagpag ng GMA Network sa mga international award-giving bodies matapos nitong makakuha ng 1 World Medal at 5 Finalist Certificates sa prestihiyosong 2021 New York Festivals (NYF) “World’s Best TV and Films” Competition.

Nagkamit ang investigative program at eight-time NYF World Medalist na Reporter’s Notebook ng Bronze Medal para sa dokyu nitong “Mga Sugat ni Miguel” sa ilalim ng Documentary: Health/Medical Information category. Ika-siyam na World Medal na ito ng programang hosted nina Maki Pulido at Jun Veneracion.

GMA rin ang nanguna sa mga short-listed entry mula sa Pilipinas. Ang segment ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) na “Babaeng Tinaga sa Mukha” nag-uwi ng finalist certificate sa Documentary: Social Justice category. Isa pang Public Affairs program, ang Reel Time, ang tumanggap ng finalist certificate para sa “This Abled” dokyu sa ilalim ng Documentary: Heroes category. Ang The Atom Araullo Specials ay may finalist certificate rin para sa episode nitong “The Atom Araullo Specials: Dreams of Gold” sa ilalim ng Program: Sports Documentary category.

Ipinagmamalaki ring mapabilang ng The Clash sa mga nag-uwi ng finalist certificate para sa Entertainment Program: Variety category. At ang first-ever virtual reality concert sa Pilinas na Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert ay nakakuha rin ng finalist certificate para sa TV airing nito sa ilalim ng Entertainment Special: Special Event category.

Congrats, mga Kapuso!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Francine Diaz, bagong mukha ng Dr. Alvin skin care products

GMA Network, may Zamboanga station na!