in

Christopher de Leon, mapapanood na sa ‘Huwag Kang Mangamba’

Mahalagang papel ang gagampanan ng multi-awarded actor na si Christopher de Leon sa buhay ni Mira (Andrea Brillantes) sa pagpasok niya sa bagong kabanata ng inspirational teleseryeng “Huwag Kang Mangamba” ngayong Oktubre.

Si Christopher ang gaganap sa misteryosong si Elias na mapapalapit kay Mira at sa mga kapwa nitong mga ampon na nakatira sa ilalim ng malupit na pamamahala nina Thelma at Armand (Andrea del Rosario at Richard Quan).

Kalaban ang unang tingin ni Mira kay Elias dahil katuwang ito nina Thelma at Armand sa mga iligal nilang gawain. Pero kalauna’y lalo pang makikilala ni Mira si Elias dahil ipagtatanggol siya nito mula sa pang-aabuso na ginagawa sa kanya.

Sa Hermoso naman, naiwang desperado sina Joy (Francine Diaz), Barang (Sylvia Sanchez), at ang mga kaibigan nila sa paghahanap kay Mira dahil hanggang ngayon ay hindi sila sigurado kung ligtas ba ito.

Pagkakatiwalaan nga kaya ni Mira si Elias? Si Elias ba ang magbibigay ng liwanag o unos sa buhay ni Mira?

Kumuha ng pag-asa at inspirasyon sa panonood ng “Huwag Kang Mangamba” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “Huwag Kang Mangamba.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mobile Legends Heroes, magkaisa kaya laban sa kasamaan sa ‘Legends of Dawn: The Sacred Stone’?

CocoJul at All-Star Cast, ipinagdiwang ang 6th Anniversary ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’