Maki-scream and shout muli sa isa pang astig na best-of-the-best party na punong-puno ng world-class acts mula sa paborito ninyong Kapamilya idols, tulad ng all-star collabs, ’90s hugot hits kantahan, astig na TikTok sayawan, musical performance ni Sarah G, at iba pa ngayong Linggo (Setyembre 26) sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Balikan muli ang special performance ni popstar royalty Sarah Geronimo sa ASAP stage, habang hindi rin pahuhuli sa selebrasyon ang mga paborito niyong Kapamilya star na sina Luis Manzano, Janine Gutierrez, Joshua Garcia, Robi Domingo, Jed Madela, Janine Berdin, Elha Nympha, Sheena Belarmino, AC Bonifacio, Enchong Dee, at marami pang iba.
Muling magpapasiklab sa kantahan ang mga naglalakihang OPM artist, tulad ng rock-and-roll number nina Inigo Pascual at Bamboo; songwriter jamming session nina Ogie Alcasid, Nyoy Volante, at Moira dela Torre; crowd-stunning performance ni KZ; at ang bigating divas showdown mula kina Angeline Quinto, Nina, Elaine Duran, Gigi de Lana, at Asia’s Songbird Regine Velasquez.
Maki-hataw rin sa TikTok dance off nina Niana Guerrero, Joao Constancia, Jeremy Glinoga, Jin Macapagal, at ASAP dance royalty Kim Chiu, at kiligin din sa loveteam treat nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, Rhys Miguel at Kaori Oinuma, Joao Constancia at Criza Taa, pati nina Edward Barber at Maymay Entrata.
At pakatutukan ulit ang enggrandeng ’90s hits tapatan ng hitmakers na sina Martin Nievera, Regine Velasquez, Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, at Gary Valenciano kasama ang musikerong si Homer Flores sa “The Greatest Showdown.”
Ito ang astig best-of-the-best treat na hindi mo dapat ma-miss mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.