in

Tony Velasquez at Danny Buenafe, asintado pa rin sa Teleradyo

Nakahanap ng bagong susubaybayan na tandem ang mga Pilipino para sa balita at impormasyon kina Tony Velasquez at Danny Buenafe, ang mga beteranong anchor ng programang “On The Spot” sa TeleRadyo.

Pinagsama ang dalawang batikang mamamahayag sa programa noong Oktubre 2020, kung saan masusi nilang hinihimay ang pinakamainit na isyu sa bansa habang inaaliw rin ang kanilang mga tagapanood at tagapakinig sa kanilang masayang palitan ng kuro-kuro.

Ayon kay Tony, na anchor din sa iba pang programa ng ABS-CBN News, malaking bagay ang pagkakaibigan nila ni Danny kung kaya pumatok ang kanilang tandem. Aniya, pareho silang dating political beat reporter at doon sila nagkaroon ng respeto at paghanga sa kakayahan ng isa’t isa. Dagdag pa niya, pareho rin sila ng paraan sa pagpapatawa.

Sinang-ayunan naman ito ni Danny, na nanindigan din na sa kabila ng kanilang pagpapagaan sa mabibigat na usapan, nakatuon pa rin sila sa kanilang tungkulin bilang mamamahayag.

“Our commitment to our viewers is we will be more straightforward in discussing issues that matter. Mga issue na may epekto sa bawat Pinoy lalo na masa. Kailangan may konting lalim sa pagtalakay at pagtatanong sa mga news sources,” sabi ng dating news bureau chief ng ABS-CBN sa Europe at Middle East.

May paliwanag din si ABS-CBN Integrated News and Current Affairs head Ging Reyes kung bakit patok ang kombinasyon nina Danny at Tony sa “On The Spot,” na isa na ngayon sa pinakamalakas na programa ng TeleRadyo.

“Tony and Danny have a deep understanding of government, policy issues, politics. And in their own engaging voices, they can discuss and explain complex topics to our audience. They also genuinely enjoy each other’s company and it shows. We’re proud that On The Spot is now among the top 5 programs of Teleradyo,” aniya

Mag-iisang taon pa lamang ang tambalang Tony V. at Danny B. pero pareho silang ilang dekada nang naglilingkod bilang mga tagapaghatid ng balita. Bukod sa maraming taon bilang reporter, nakilala rin si Tony bilang host at anchor ng mga programang “Verum Est” sa ABS-CBN, “Future Perfect” at “The World Tonight” sa ANC, the ABS-CBN News Channel, at “Headline Pilipinas” sa TeleRadyo.

Si Danny naman, 16 taon inilagi sa ibang bansa para itaguyod ang presensya ng ABS-CBN News sa mundo habang ibinabalita rin ang mga pangyayari na nakaaapekto sa overseas Filipinos. Bumalik siya mula sa pagreretiro noong 2019 para sa programang “Good Job” sa TeleRadyo.

Pangako ni Tony, patuloy nilang pagiibayuhin ni Danny ang kanilang serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng “On The Spot.”

“We will keep on engaging newsmakers and resource persons through incisive interviews, in order to give our audience balanced and timely views, both from our guests and from Danny and myself, while engaging our audience through our lively and humorous banter,” aniya.

Mapapanood ang “On The Spot” mula Lunes hanggang Biyernes ng 9 am sa TeleRadyo sa cable at online sa iWantTFC, DZMM TeleRadyo Facebook, ABS-CBN News YouTube channel, at sa ABS-CBN News App. Pwede rin itong pakinggan sa ABS-CBN Radio Service App o sa audio streaming sa news.abs-cbn.com/dzmm.

Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Paulo Avelino, lumalambot na ang puso kay Janine Gutierrez sa ‘Marry Me, Marry You’

Radio stations ng GMA Network, nangunguna sa Mega Manila