in

Piolo Pascual, bagong politiko sa ‘Niña Niño’ ng TV5!

Mukhang nagiging favorite na ng dumadaming manonood ang comedy-drama series ng TV5 na Niña Niño dahil kamakailan lang ay nagtala ito ng record-breaking na 5.0 percent TV rating sa kabila ng malakas na kompetisyon ng mga programang umeere sa parehong timeslot nito.

Bilang pasasalamat sa mainit na suporta ng mga Kapatid viewers, may handog na malaking sorpresa ang TV5 dahil ang nag-iisang Papa P ng bayan na si Piolo Pascual ay makakasama na ng Niña Niño cast simula sa October 25. Gagampanan ni Piolo ang role ni Mayor Christopher Charles Juarez, ang bagong halal na mayor na handang paglingkuran ang mga tao ng Sitio Sta. Ynez.

Pinaghahandaan na ng mga writers ng Niña Niño ang magiging karakter ni Piolo Pascual. Bilang Mayor Charles, kailangan niyang harapin ang mahabang political tradition ng kanyang pamilya at ipaglaban ang kanyang mga prinsipyo at pamumuno bilang bagong alkalde ng Sitio Sta. Ynez.

“We are grateful for those viewers that continually anticipate our shows. We wouldn’t be able to achieve such a high rating without their support with Niña Niño and we hope that they will enjoy this surprise we have prepared for them,” pahayag ni Robert P. Galang, President & CEO ng Cignal at TV5.

Abangan si Piolo Pascual bilang Mayor Charles sa Niña Niño, ang seryeng nagtuturo sa atin na habang may buhay, may pag-asa, simula sa October 25. Mapapanood ang Niña Niño tuwing Lunes, Martes, at Huwebes ng 7:15pm, pagkatapos ng Sing Galing at bago ang FPJ’s Ang Probinsyano sa TV5.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

BGYO, anim na Linggong nasa sa Top 15 ng Pandora Predictions Chart ng the Next Big Sound

Special performance ni Sarah Geronimo, babalikan ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’