in

Hajji Alejandro, Marco Sison, at Nonoy Zuñiga, magbabalik-tanaw sa kanilang musika at pagkakaibigan sa ‘Good Vibes with Edu’

Usapang musika naman ang dapat abangan sa “Good Vibes With Edu” ngayong Linggo (Setyembre 19) sa Metro Channel tampok ang OPM hitmakers na sina Hajji Alejandro, Marco Sison, at Nonoy Zuñiga.

Kasama ang talk show host na si Edu Manzano, pag-uusapan ng mga batikang mang-aawit ang halaga ng musika sa paghahatid ng good vibes sa panahon ng matinding pagsubok. Syempre, hindi rin mawawala ang masayang pagbabalik-tanaw nila sa pagkakaibigan na nabuo dahil sa musika.

Tinaguriang Kilabot ng mga Kolehiyala, si Hajji ang nagpasikat ng classic OPM songs na “Nakapagtataka,” “Kay Ganda Ng Ating Musika,” at “May Minamahal.”

Isa rin sa naging tanyag na balladeers ng bansa si Marco na nagbigay-buhay sa mga kantang “Always,” “Si Aida, Si Lorna, O Si Fe,” at “My Love Will See You Through.”

Isa pang OPM legend si Nonoy na sumikat sa mga hindi malilimutang kanta na “Doon Lang,” “Kumusta Ka,” “Never Ever Say Goodbye” at iba pa.

Patuloy ang “Good Vibes With Edu” sa paghahatid ng good news at inspirasyon ngayong pandemya sa pamamagitan ng pakikipag-kumustahan at pakikipagkulitan ni Edu sa kanyang celebrity guests.

“In the middle of this pandemic, we continue to find ways to help us to de-stress, to relax, and to stay focused,” ani Edu sa season 2 premiere ng programa noong Linggo tampok ang kwelang kwentuhan tungkol sa pag-aalaga ng halaman bilang paboritong pastime ng mga Pinoy kasama ang celebrity plantitas na sina Aubrey Miles, Daphne Oseña-Paez, Gretchen Fullido, at Karel Marquez.

“Let’s continue to plant some good vibes for everyone,” dagdag pa ni Edu.

Abangan ang OPM hitmakers na sina Hajji, Marco, at Nonoy sa “Good Vibes with Edu” ngayon Linggo (Setyembre 19) 8 PM sa Metro Channel sa SKYcable channel 52 (SD) at channel 174 (HD), Cignal channel 69, at GSAT channel 70. Mapapanood din ang mga episode online sa iWantTFC at Metro.Style YouTube channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Curriculum-based shows ng Knowledge Channel, palabas na sa pagbabalik-eskwela

Top-rating Korean drama series na ‘Mr. Queen,’ mapapanood na sa GMA Heart of Asia