in

Joey Marquez, bibida bilang viral Taho Vlogger sa ‘MMK’

Matutunghayan ng mga manonood ang nakakaantig na kwento ng isang magtataho na si Gimmy Panis Conos, na gagampanan ni Joey Marquez, na napasukin ang mundo ng vlogging kung saan nakahanap siya ng pamilya, sa “MMK” sa darating na Sabado (Setyembre 18).

Ang tanging kagustuhan lamang ni Gimmy (Joey) ay magkaroon ng sariling pamilya at tahimik na buhay. Ngunit sa pagluwas niya sa Manila mula Tacloban, naging mailap ang swerte at nagpasyang maging isang magtataho.

Araw-araw pagkagising, kinukuha niya ang supply na taho sa factory para ilako sa kalsada at unibersidad at matapos nito, umuuwi sa barracks ng nasabing factory na itinuturing niyang tahanan. Nakuntento na siya sa kanyang kinikita lalo pa at nakakaramdam din siya ng pagmamahal sa kanyang loyal customers.

Ngunit nagbago ito nang ma-stroke siya at wala siyang makakapitan. Lalo pang naging malungkot ang kanyang buhay nang sa paggaling niya ay nagsimula naman ang pandemiya.

Gayunpaman, nagpatuloy pa rin siyang nagbenta at namigay din ng libreng taho sa ibang tao kahit pa kailangan niya ang kita para sa kanyang mga gamot. Dahil dito, napukaw niya ang puso ng mga netizens lalo na nina Mary (Eisel Serrano) at Marvin (Maru Delgado), na siya ring nagbigay daan para magbago ang takbo ng buhay ni Gimmy.

Ano kaya ang naging papel nina Mary at Marvin sa buhay ni Gimmy? Paano kaya siya naging trending taho vlogger na may 300,000 subscribers?

Samantala sa ika-30 nitong anibersaryo, may bagong handog ang “MMK” sa loyal viewers nito–ang “MMK Shorts” sa YouTube channel ng ABS-CBN. Babalikan nila ang dating letter senders at kakamustahin ang naging buhay matapos mapalabas ang kanilang kwento sa “MMK.”

Tampok ang first Olympic gold medalist ng bansa na si Hidilyn Diaz sa unang episode. Bukod sa pagbabahagi ng kanyang buhay matapos ipalabas ang episode, malalaman din ang ilan pang trivia tungkol sa kanya. Parte ang “MMK Shorts” ng lumalaking Kapamilya YOUniverse at mapapanood sa darating na Sabado (Set. 18) nang 8 PM.

Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Tiktok, at Instagram o magpunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Walong mang-aawit, magtatapat sa ‘Tawag Ng Tanghalan’ Grand Finals sa ‘It’s Showtime’

Curriculum-based shows ng Knowledge Channel, palabas na sa pagbabalik-eskwela