Humakot ng parangal ang GMA Network sa YUGTO: The 8th Paragala Awards kung saan ilang Kapuso personalities at programa ang kinilala para sa kanilang kontribusyon sa media lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Nangunguna na rito sina Kapuso broadcast journalists Kara David at Joseph Morong na kinilala sa “Crisis Coverage Award: Top News Personality” category. Si Kara ay isa sa hosts ng I-Witness at anchor ng GTV public affairs shows na Brigada at Pinas Sarap. Si Joseph naman ay isa sa senior reporters ng GMA at kasalukuyang anchor ng mobile journalism newscast na Stand for Truth.
Nagwagi rin ang I-Witness “Ako si Patient 2828” episode ni Howie Severino bilang “Outstanding COVID-19 Documentary.”
Parehong winner din ang mga show ni Drew Arellano. Tumanggap ang Biyahe ni Drew ng “Paragala Pang Kultura” award habang ang AHA! ay ginawaran ng “Paragala Pang Likhaan” award.
Inuwi naman ng Daig Kayo Ng Lola Ko ang “Paragala Pang Pamilya” award.
Ang bagong Kapuso na si Bea Alonzo ay pinagkalooban ng “Paragala Pang Lingkod Bayan” award para sa kanyang ‘I Am Hope’ organization.
Tumanggap naman ang The 700 Club Asia ng “Paragala Pang Kapakanan: Traditional Spiritual Program” award.
Ang Paragala: The Central Luzon Media Awards ay ang largest student-based award-giving body sa Central Luzon.
Inalay ang awarding ngayong taon sa mga medical at media practitioners at iba pang bayaning patuloy na nagsisilbi sa bayan sa gitna ng COVID-19.