in

Kris Bernal, gaganap bilang teacher na may Tourette Syndrome sa ‘Wish Ko Lang!’

Nakaaantig na kuwento ang pagbibidahan ni Kris Bernal ngayong Sabado sa Wish Ko Lang. Makakasama niya sa episode sina Juancho Trivino, Maxine Medina, Will Ashley, Althea Ablan, Elijah Alejo, Bryan Benedict, at Alexandra Abdon.

Bata pa lang si Nicole (Kris) ay na-diagnose na siya ng Tourette syndrome. Dahil sa kondisyon, laging nabu-bully si Nicole. Pero di siya nagpadala rito. Tinaguyod at napag-aral niya ang sarili para maging isang ganap na teacher. Sa pangarap niyang ito, nawala sa kanya ang kanyang chance sa love. Hiniwalayan siya ng boyfriend niyang si Martin (Juancho). Eleven years later, isa nang teacher si Nicole. Struggle man para sa kanya ang condition niya, binigyan pa rin siya ng chance ng principal (Alexandra) ng kanyang alma mater para makapagturo. Isa sa mga estudyante niya ay si Hannah (Elijah) na may pagka-atribida.

Isang insidente ang maglalagay sa panganib sa mga bata at mapapatunayan nila kung gaano sila kaimportante sa kanilang guro at magbubunyag ang koneksyon ni Hannah kay Martin. Abangan ang “Bokasyon” episode ng Wish Ko Lang ngayong Sabado pagkatapos ng Tadhana sa GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bianca Umali, may rebelasyon sa ‘The Boobay and Tekla Show’

GMA Now extended ang price discount, may bago pang feature!