in

‘KMJS’ may tribute para kay Mahal

Tuloy ang kuwentuhan sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ngayong Linggo (Sept. 5). Babalikan ng KMJS ang makulay na buhay ng komedyanteng si Mahal sa mata ng mga nagmamahal sa kanya.

Matapos namang mapanood nitong nakaraang Linggo sa KMJS ang batang naligaw noong 1989, isang ina mula Malabon ang lumantad na nagsasabing siya raw ang ina ni Alvin. Samantala, pabiro namang hirit ng ilan, dapat ay magpa-DNA test para malaman kung kaanu-ano ba talaga ni Ms. Jessica Soho ang nag-viral na kamukha raw niyang Koreana. Talaga namang usong-uso ang celebrity look-alike! Sino rin ba ang ka-lookalike ni Camille Trinidad ng tambalang JaMill at ang viral couple ngayon na Whamonette?

Iimbestigahan din ni Ed Caluag ang kababalaghan kung saan habang mag-isang naggigitara, bigla na lang may nangangalabit? Pasok Ed Caluag! Tunghayan din ang kuwento ng pamana na natanggap ng magkakapatid na Sugue sa Camarines Sur mula sa kanilang ina–mala-haciendang lupa lang naman na may bonus pang waterfalls!  

Nood na ng Kapuso Mo, Jessica Soho, tuwing Linggo 8:25 p.m. sa GMA 7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

G-Force, kauna-unahang grupong nanalo ng jackpot prize sa ‘Madlang Pi-Poll’

Bianca Umali, may rebelasyon sa ‘The Boobay and Tekla Show’