in

Myrtle Sarrosa, pag-aawayan nina Benjamin Alves at Mike Tan?

Siguradong riot na naman sa katatawanan at masayang kuwentuhan sa fresh episode ng comedy anthology na Dear Uge Presents ngayong Linggo, August 29.

Tampok sa episode na pinamagatang ‘Tom, Dick, and Gery’ sina Benjamin Alves bilang Tom, Mike Tan bilang Dick, Dave Bornea bilang Alex, at Myrtle Sarrosa bilang Gery.

Nang mabakante ang kuwarto ni Alex at iwan ang kanyang housemates na sina Tom at Dick, nirentahan ito ni Gery. Sa pagdating ni Gery ay sabay namang masisira ang pagkakaibigan nina Tom at Dick.

Tuluyan na nga bang masisira ang magandang samahan nina Tom at Dick dahil kay Gery?

Abangan ang nakakaaliw na kuwento nina ‘Tom, Dick, and Gery’ sa Dear Uge Presents ngayong Linggo, 3:45PM, pagkatapos ng GMA Blockbusters.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Heart Evangelista, inuulan ng projects!

La Santos at rapper na si CLR, nanghaharana sa ‘Ano’ng Pangalan Mo?’ single