in

Kuwento nina Bilog at Bunak, muling mapapanood sa ‘#MPK’

Muling balikan ang nakaka-inspire na kuwento ng magkapatid na sina Bilog at Bunak sa award-winning drama anthology na Magpakailanman ngayong Sabado, August 28.

Tampok sa episode si Leanne Bautista bilang Bilog at Kenken Nuyad bilang Bunak. Kasama rin dito sina Lotlot de Leon bilang Anna, ang ina ng magkapatid, at Gardo Versoza bilang Dan, ang kanilang ama na pinag-alayan nila ng kanta sa viral video.

Sa likod ng kanilang nakakatawang viral video na pumatok sa netizens ay ang malungkot na kuwento ng buhay nina Bilog at Bunak. Ano nga ba ang istorya kung bakit gumawa ng musical cover sina Bilog at Bunak para sa kanilang ama?

Muling saksihan ang kuwento ng away-bati na magkapatid sa episode ng Magpakailanman na pinamagatang “Viral Siblings: The Bilog and Bunak Tiongson Story,” ngayong Sabado, 7:15PM, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Panaginip’ ni Brian Gazmen hugot ng ssang brokenhearted

‘Dayaw,’ patuloy sa pagsulong sa pamanang Pilipino sa bagong season sa ABS-CBN News Channel (ANC)