in

John Estrada nagbabalik-Kapamilya, kasama na sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Nagbabalik-Kapamilya na ang batikang aktor na si John Estrada at nakatakdang mapanood sa bagong yugto ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na magbubukas ngayong gabi (Agosto 23), pagkatapos ng pasabog na rebelasyon noong Biyernes na pumalo ng pinakamataas na live online views.

Sumabak na si John sa unang taping day niya kung saan nakasama niya si Coco Martin, ayon sa inilabas na litrato ng Dreamscape Entertainment sa social media ngayong Lunes (Agosto 23).

“Napakasaya ko. Dito ako nagsimula sa ABS-CBN. I’m happy to be back. Blessing sa akin na bumalik sa ABS-CBN at mapasama sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano,’” pahayag ni John.

Ang pagpasok ni John sa cast ay bahagi ng makasaysayang ikaanim na taon ng longest-running action-drama series sa bansa, tampok ang mga bagong karakter at ang pagbubukas ng bago at mas kaabang-abang na kwento ayon kay Coco.

Inaabangan na ngayon pa lang ang unang paglabas ni Julia Montes sa serye bilang si Mara, isang palabang babae na makakakrus ang landas ni Cardo (Coco) habang patuloy itong naghahanap ng lugar na mapagtataguan mula sa batas kasama ang Task Force Agila.

Patuloy namang kumakapit ang netizens sa “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil nagkamit ang August 20 episode nito ng all-time high record na 162,831 live concurrent viewers sa Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel habang tinutukan nila ang pagpapaalam ng karakter ni Jane De Leon na si Lia Mante.

Ginulat ni Lia sina Cardo at ang grupo nito sa pagbubunyag niya ng isang lihim na matagal niyang tinago. Inamin ni Lia na hindi siya ang bumaril at nakapatay kay Alyanna, kundi ang dati niyang kasintahang si Albert (Geoff Eigenmann). Inamin din ni Lia na buhay pa ito. Ngunit kailangan nang lumisan at magtago ng grupo nina Cardo, pati na rin ang pamilya ni Lia, bago sila maabutan ng kanilang mga kaaway.

Sa pagtakas nina Cardo ay makikila nila si Mara. Sino nga ba si Mara? Siya ba ay isang kasangga o ang bagong makakabangga ni Cardo?

Huwag palampasin ang bagong yugto ng “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang abscbnpr.com.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Yam Concepcion, gustong itakas ang anak sa ‘Init Sa Magdamag’

Call Center Agents, sinagot ang tawag ng tagumpay sa ‘Everybody, Sing’