in

Robi Domingo at ‘Mathdali’ ng Knowledge Channel, panalo sa Gawad Juan 2021

Kinilala na namang muli ang Knowledge Channel para sa inisyatibo nitong gawing mas masaya ang edukasyon para sa mga estudyante matapos mag-uwi ng parangal ang programa nitong “MathDali,” na layong gawing mas madali ang pag-aaral ng math, bilang Best TV Show of the Year for Education habang ang host nitong si Robi Domingo ay nagwagi rin bilang Best TV/Social Media Personality of the Year for Education sa nagdaang Gawad Juan Awards 2021.

Ipinorodyus ng ABS-CBN at ng Knowledge Channel Foundation Inc. ang programang “MathDali” para matulungan ang mga estudyante, partikular sa ika-apat na baiting. Pinapadali nito ang pag-aaral sa pamamagitan ng masasayang video lessons kasama sina Robi Domingo at ang math barkada nina Igi Boy Flores, Vic Robinson, at ang kambal na sina Joj at Jai Agpangan.

Dahil naman sa kasagsagan ng pandemya na nagpaantala sa pag-aaral ng mga estudyante sa kani-kanilang mga paaralan, inilunsad ng Knowledge Channel ang School at Home bilang kampanya para ipagpatuloy ang edukasyon ng mga batang Pilipino kahit sa kanilang mga tahanan. Dito rin ni-relaunch ang “MathDali” bilang isang interactive online show kung saan pwedeng lumahok ang mga mag-aaral via livestreaming sa mga online platform nito.

Lubos naman ang pasasalamat ni Robi Domingo na siyang tumanggap ng back-to-back awards nito na Best TV Show of the Year for Education and Best TV/Social Media Personality of the Year for Education.

“I just want to thank Biyaya ni Juan for this great recognition… despite what happened to our network, we never stopped and went back to our promise, which is to be always ‘in the service of Filipino’ no matter what,” ika ni Robi sa kanyang speech sa online ceremony nito noong Agosto 14.

Binati rin niya ang mga co-nominee niya sa awards ceremony, kabilang si Coach Lyqa Maravilla na may sarili ring online show sa Knowledge Channel na pinamagatang “Learn With Lyqa.”

“I really want to congratulate our fellow nominees we have here because we appreciate all the people who continuously make educational platforms available, especially for the youth,” dagdag niya.

Maki-sali kay Robi Domingo na matuto ng math sa “MathDali Live” tuwing Miyerkules, 11:30 AM pagkatapos ng “Knowledge on the Go” ni Kuya Kim Atienza sa Facebook page ng Knowledge Channel (fb.com/knowledgechannel) at sa official kumu channel nito (@knowledgechannelofficial).

Inorganisa ng youth-led non-profit organization na Biyaya Ni Juan ang kauna-unahang Gawad Juan Awards bilang pagkilala sa mga indibidwal, organisasyon, at mga programang nagpakita ng huwarang aksyon sa mga adbokasiya nito para sa ikabubuti ng bansa.

Bisitahin din ang knowledgechannel.org para sa kumpletong video lessons at latest updates ng Knowledge Channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Star Magic at Bayan Mo, Ipatrol Mo, sanib-pwersa para hikayatin ang mga Pilipino na magparehistro para sa halalan 2022

JC de Vera nabaliw na kay Erich Gonzales, nag-alok ng kasal sa ‘La Vida Lena’