in

JC de Vera nabaliw na kay Erich Gonzales, nag-alok ng kasal sa ‘La Vida Lena’

Tagumpay ang pagpapaikot ni Lena (Erich Gonzales) kay Adrian (JC De Vera) dahil tuluyan na itong nahumaling at napaibig sa kanya sa teleseryeng “La Vida Lena,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Magugulat na lang si Lena na magpo-propose ng kasal si Adrian sa kanya pagkatapos niyang magsinungaling na buntis siya at dinadala niya ang anak nila. Mangangako naman si Adrian na papanindigan niya ang bata kahit pa tutol ang mga magulang niya rito.

Kahit naman hindi pa nila nakikilala si Lena, kontra na ang mga magulang ni Adrian na sina Vanessa at Lucas (Agot Isidro at Raymond Bagatsing) sa dalaga dahil naaapektuhan na nito ang trabaho ni Adrian sa kumpanya nila.

Maging ang mga kakampi ni Lena na sina Ramona (Janice de Belen) at Jordan (Carlo Aquino) ay tutol sa planong pagpapakasal ni Lena kay Adrian dahil baka ikapahamak lang niya ito.

Kasabay ng plano ni Magda na paibigin si Adrian para mawasak ang kanilang pamilya ay ang pakikipagsabwatan niya sa ambisyosong si Miguel (Kit Thompson), ang pinsan ni Adrian na gustong maagaw ang posisyon nito sa kumpanya.

Ano ang mangyayari sa pamilya Narciso sa oras na malaman nina Adrian, Vanessa, at Lucas na nalusob na sila ng kalaban?

Subaybayan ang paghihiganti ni Lena sa “La Vida Lena” gabi-gabi, 10 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ang episodes nito sa iWantTFC at sa The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV para sa viewers sa labas ng Pilipinas.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Robi Domingo at ‘Mathdali’ ng Knowledge Channel, panalo sa Gawad Juan 2021

‘Dear MOR’ at ‘Gapnud Sa Kinabuhi,’ bahagi rin ng Kapamilya Youniverse sa YouTube