in

LJ Reyes, magiging stepmom ni Ysabel Ortega sa ‘Dear Uge’

Paano kung ang iyong terror teacher ay maging stepmom mo?

Abangan ang nakakaaliw na kuwento ng isang estudyanteng gagawin ang lahat para mapigilan lang ang kanyang terror teacher na maging stepmom niya sa comedy anthology na ‘Dear Uge’ ngayong Linggo, August 22.

Bida sa episode na pinamagatang ‘Steph Ma’am’ sina Ysabel Ortega, LJ Reyes, Wendell Ramos, at Tess Antonio.

Kinasusuklaman ni Anna (Ysabel), isang college freshman, ang kanyang terror teacher na si Stephanie Tuazon (LJ) sa pagiging istrikto at unfair nito sa pagbibigay ng grades sa kanya. Tila natapos na ang kanyang bangungot nang lumipat sa ibang school si Stephanie.

Nagulat na lang si Anna nang bumalik sa kanyang buhay si Stephanie, hindi na bilang kanyang teacher, pero bilang girlfriend ng kanyang ama at future stepmom niya.

Hindi papayag si Anna na mangyari ito kaya naman sa tulong ng kanilang housemaid na si Yaya Josie, gagawin ni Anna ang lahat para tuluyan nang lumayas si Stephanie sa kanyang buhay.

Abangan ang fresh episode ng Dear Uge na Steph Ma’am ngayong Linggo, 3:45PM, sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Huwag Kang Mangamba,’ nominado bilang Best Drama sa Contentasia Awards 2021

Charlie Dizon at Jameson Blake magkatuluyan pa kaya sa ‘My Sunset Girl’?