in

Joross Gamboa, tuloy ang paghihintay sa sagot ni Roxanne Guinoo sa ‘Hoy, Love You’ sa Kapamilya Channel

Bigo pa rin si Jules (Joross Gamboa) na makuha ang sagot ni Marge (Roxanne Guinoo-Yap) sa kanyang romantikong proposal sa kabila ng panunuyo at panghaharana niya sa “Hoy, Love You” sa Kapamilya Channel at A2Z.

Tuwing magkakasama sila, palaging may dumarating kaya nauudlot ang kanilang pag-uusap tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Noong Sabado (Agosto 14), naibunyag na ang lihim ni Charles (Aljon Mendoza) tungkol sa kanilang matagal nang ugnayan ng amang si Richard (Dominic Ochoa), na kaya pala hindi nakabalik sa Pilipinas ay naloko ng ka-negosyo at napilitang magpakasal sa inaalagaan niyang pasyente sa UK.

Nang pinapakalma naman ni Jules ang nagngingitngit sa galit na si Marge, nalaman naman nilang umalis ang kani-kanilang mga anak na sina Charles at JR (Brenna Garcia) sakay ng bangka at hindi nila alam kung saan nagpunta.

Sa susunod na episode sa Sabado (Agosto 21), mukhang magaganap na ang pinakahihintay ni Jules, matapos nilang hanapin ni Marge ang mga bata kasama mismo si Richard.

Samantala, inilabas na noong weekend ang patikim ng iWantTFC sa “Hoy, Love You Two” na ikalawang season ng programang kinunan sa Submarine Garden Beach Resort sa Lobo, Batangas.

Dito makikita ang mga bagong cast ng programa na sina Lou Veloso, Hasna Cabral, at Ritz Azul, na tila magiging dahilan ng problema sa pag-iibigan nina Jules at Marge.

Habang hinihintay ng fans ang pagpapalabas ng “Hoy, Love You Two” online, maaari nilang balikan ang kilig at saya ng unang season na napapanood tuwing Sabado ng 9:30 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.

Para sa ABS-CBN updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Babaeng Unggoy’ episode ng ‘Wish Ko Lang,’ patok sa viewers at netizens

Tambalang Jennylyn Mercado at Xian Lim, kasado na!