in

KathNiel isang dekada nang nagpapakilig, ‘She’s Dating The Gangster’ gagawing libre ng Star Cinema sa YouTube

Sisimulan na ng Star Cinema ang pagdiriwang ng sampung taong pagbibigay-saya at kilig ng love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa libreng pagpapalabas ng “She’s Dating the Gangster” at premiere ng “Secret Movie Files” tampok ang KathNiel sa YouTube.

Sabay na mapapanood ng fans sa ABS-CBN Star Cinema YouTube channel ngayong Linggo (Agosto 15), 2 PM ang “She’s Dating the Gangster” at ang tatlo sa pitong KathNiel episodes ng “Secret Movie Files” kung saan ipinapaliwanag nila kung paano nabuo at kinunan ang mahahalagang eksena sa pelikula.

Ang “Secret Movie Files” ang isa sa exciting na “Made for Youtube” titles na kabilang sa bagong “Kapamilya YOUniverse,” ang pagsama-sama ng paboritong YouTube channels ng ABS-CBN na Star Cinema, Star Music, MOR Entertainment, ABS-CBN News, at ABS-CBN Entertainment para maghatid ng mga programa, musika, pelikula, at balita.

Sa “Secret Movie Files,” ibubunyag din nina Kathryn at Daniel, kasama si Direk Cathy Garcia-Molina ang ilang trivia, gaya ng kung paano nakumbinsi ni Direk Cathy na pagsuotin ng shorts at pasayawin si Daniel sa pelikula, pagkakasali ng KathNiel fans sa ilang eksena, at ang mga pinagdaanan nilang pagsubok sa pag-shoot ng emosyonal na aminan ng feelings nina Kenji (Daniel) at Athena (Kathryn).

Makakasama rin sa episodes si Dan Villegas para ipaliwanag kung bakit “She’s Dating the Gangster” ang itinuturing niyang pinakamaganda niyang gawa bilang isang cinematographer.

Sa “She’s Dating the Gangster,” nakasama ng KathNiel sina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Sinusundan nito ang love story ng dalawang teenagers na magkukunwaring magkasintahan at kalauna’y mag-iibigan.

Huwag palampasin ang ang libreng panonood ng “She’s Dating the Gangster” at “Secret Movie Files” sa ABS-CBN Star Cinema YouTube channel ngayong Linggo (Agosto 15) ng 2 PM. Ipapalabas naman ang natitirang apat na KathNiel episodes sa “Secret Movie Files” ngayong Agosto 22 at 29.

Tumuloy na sa Kapamilya YOUniverse sa YouTube at mag-subscribe sa ABS-CBN Star Cinema, ABS-CBN Star Music, MOR Entertainment, ABS-CBN News, at ABS-CBN Entertainment.

-30-

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Catch Me Out Philippines,’ may bagong timeslot simula Sabado!

GabLil, may bagong handog sa fans