in

‘The Broken Marriage Vow’ ibibida ang mga likha ng Pinoy fashion designers

Bukod sa matitinding eksena sa upcoming Kapamilya teleseryeng “The Broken Marriage Vow,” dapat ding abangan ng mga manonood ang ang mga likhang Pinoy na susuutin ng mga bida at gawa ng iba’t ibang local fashion designers.

Ayon kay Connie Macatuno, ang direktor at costume design head ng serye, sinigurado nilang puro local designs ang lahat ng susuutin nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, at ng co-stars nila. Ito rin ang unang pagkakataong gagawin ito sa isang Pinoy teleserye.

“Matagal ko nang inisip na makagawa ng isang palabas kung saan gumagamit ng local designs from local designers. Una kong naisip agad, pagsama-samahin silang lahat. Most of the local designers will be there in showcasing their original work. It’s the thing that excited all of us,” sabi ni Direk Connie sa isang video na inilabas ng Dreamscape Entertainment noong Biyernes (Agosto 6).

Ipinakita rin sa video ang mga damit, sapatos, accessories, mga katutubong tela, at tradisyunal na Filipino clothes na ibibihis sa mga bida. Dagdag ni Direk Connie, nag-enjoy siya sa pagbubuo ng look at style ni Dra. Jill Ilustre, ang karakter ni Jodi Sta. Maria, at na siya mismo ang pumipili ng susuutin ng cast members.

Sa pamamagitan ng pagsasama ng Pinoy at global brands sa serye, hangad ni Direk Connie na maitaguyod ang kultura at disenyong Pinoy sa buong mundo.

“We want to showcase our clothes, our roots, our culture in a different way. We get to wear the barong, the pinya on a daily basis. We get to wear the weaves of different places here in the Philippines, and showcase original works of different designers that have global appeal,” aniya.

Susundan ng “The Broken Marriage Vow” ang kwento ni Jill, isang babaeng biniyayaan ng isang masaya at kumpletong pamilya. Dahan-dahang itong mawawasak sa oras na makutuban niyang niloloko siya ng asawang si David (Zanjoe) kasama ang mas batang kabit nitong si Lexy (Sue).

Ang “The Broken Marriage Vow” ang Pinoy adaptation ng hit BBC series na “Doctor Foster.” Gagawin ito sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment at ipapalabas sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga apektado ng baha at Bulkang Taal, dinayo ng ABS-CBN Foundation

Kyle Velino malaki ang pasasalamat sa ‘Gameboys’