in

Sanya Lopez, milyonarya na sa YouTube!

Nakakuha na rin ang Kapuso star na si Sanya Lopez ng Gold Play Button mula sa YouTube matapos niyang malagpasan ang one million mark sa bilang ng kaniyang subscribers.  

Sa Instagram ay pinasalamatan niya ang mga fans sa patuloy na pagtangkilik at pagsuporta sa kaniyang videos, “Gintong pasasalamat sa lahat ng aking mga subscribers!!! 

Sunud-sunod talaga ang buhos ng blessings sa career ni Sanya. Kamakailan lang ay muli siyang pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center. Successful din ang huli niyang mga programa kabilang na ang mahusay niyang pagganap sa role ni Yaya Melody sa primetime series na ‘First Yaya’ at bilang si Maya sa ‘Agimat ng Agila.’

Congratulations, Sanya!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Hit serye nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, at Maricel Soriano, mapapanood na sa Netflix

Barkada ng ‘He’s Into Her,’ babalikan ang pagsisimula ng hit series