in

‘Family History,’ trending sa Netflix Philippines!

Patuloy na pinupusuan ng mga manonood ang Family History — ang directorial debut film ni multi-awarded comedian and content creator Michael V. — matapos itong makasama sa Top 10 trending movies and series sa streaming platform na Netflix Philippines. 

Una itong napanood sa mga sinehan taong 2019 at umani ito ng positive feedback mula sa viewers and critics. At ngayon nga ay available na rin ang pelikula sa Netflix Philippines.  

Sa kanyang panayam sa 24 Oras, excited si Michael V. na mas marami pa ang makakapanood sa Family History dahil tiyak na magkakaroon daw ito ng panibagong kahulugan sa ngayon. Aniya, “Especially nung nangyari ‘yung pandemic. A lot of people probably didn’t think na it will hit them close to home, pero after nung mga nangyari na may mga kaibigan tayo, may mga kamag-anak tayo na nawala and then you realize the value, the lesson nung movie. ‘Yun ‘yung gusto ko talaga iparating.”

Ang Family History ay tungkol sa kuwento ng mag-asawang Alex (Michael V.) at May (Dawn Zulueta) na masusubok ang pagsasama nang tamaan si May ng isang sakit. Kasama rin sa pelikula sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, John Estrada, Paolo Contis, Ina Feleo, Kakai Bautista, at Nonie Buencamino.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mga programang pang-school at home ng Knowledge Channel, mapapanuod na sa Kumu at Facebook Live

Musikero mula Cebu, handog ang soft rock version ng ‘Ulahi Na Ang Pagbasol Ko’