in

Kapamilya Online Live 24/7 na sa YouTube, mapapanood sa mas maraming bansa

Palagi nang online ang ABS-CBN para sa lahat ng subscribers nito dahil gagawin nang 24/7 at available sa mas maraming bansa ang paboritong shows at movies sa Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Ito ang libreng regalo ng Kapamilya Online Live sa unang anibersaryo nito bilang pasasalamat sa lahat ng mga Kapamilyang patuloy na kumakapit sa mga palabas ng ABS-CBN saan man sila sa mundo.

Kaya naman sa YouTube, buong araw at buong linggong tuloy-tuloy na entertainment ang mapapanood sa buong Pilipinas at sa higit 180 bansa.

Lalo ring aapaw ang aksyon, drama, saya, at kilig dahil bukod sa livestreaming ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” “Huwag Kang Mangamba,” “Init sa Magdamag,” at “La Vida Lena,” pwedeng ulit-ulitin ang pinakahuling episodes ng mga ito sa loob ng pitong araw.

Mas masaya at exciting din ang kwentuhan kasama ang ABS-CBN stars at iba pang live viewers sa parehong Facebook at YouTube. Pwedeng makipag-chikahan sa live chat section, makisali sa gap shows na eere tuwing commercial breaks gaya ng “Showtime Online” at “iWant ASAP,” at maging bahagi ng virtual studio audience ng “It’s Showtime.”

Bukod sa kasalukuyang umeereng mga palabas ng ABS-CBN, darating na rin sa Kapamilya Online Live ang “Ningning,” “Bagani,” “Dyosa,” “Palibhasa Lalake,” “Banana Split” at sari-saring blockbuster Filipino movies gaya ng “Volta” at “Crazy Beautiful You.”

Napapanood ang Kapamilya Online Live sa lumalaking komunidad ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel na mayroong 35.5 milyong subscribers – ang pinakamarami sa Southeast Asia. Humatak din ang YouTube channel ng 72.8 milyong unique viewers sa buong mundo sa nakalipas na tatlong buwan.

Sa Facebook page naman ng ABS-CBN, araw-araw na nagla-livestream ng mga palabas sa 30.6 milyong followers nito.

Noong Agosto 2020, inilunsad ng ABS-CBN ang Kapamilya Online Live para maging “online tahanan” ng mga palabas na na-miss ng mga Pilipino. Ito ay bahagi ng patuloy na paghahanap ng ABS-CBN ng paraan na makasama ang mga Kapamilya at makapaghatid sa kanila ng saya, pag-asa, at inspirasyon.

Para sa mapanood ang kumpletong episodes ng ABS-CBN shows, magrehistro lang sa iWantTFC at mag-download ng app (iOs at Android) o bumisita sa iwanttfc.com.

Tumuloy na sa online tahanan ng ABS-CBN shows, ang Kapamilya Online Live, at mag-subscribe na sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel (www.youtube.com/abscbnentertainment) at i-like ang Facebook page (www.facebook.com/ABSCBNnetwork). Para makakuha ng updates at makita ang schedule ng mga programa, pumunta lang sa kapamilyaonlinelive.com.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Songbayanan ng mga tsuper, nag-uwi ng P500k sa ‘Everybody, Sing!’

Gabbi Garcia, palakas nang palakas ang online presence!