in ,

Gabbi Garcia, palakas nang palakas ang online presence!

Proud na proud ang fans ng Global Endorser na si Gabbi Garcia nang pumalo na sa higit 12 million ang Facebook followers niya. Isang panibagong milestone ito para sa Kapuso star na isa sa mga artistang pinaka-sinusundan sa social media ng netizens!

Kamakailan din ay ni-launch ni Gabbi kasama ang boyfriend at fellow Kapuso artist na si Khalil Ramos ang sarili nilang food video channel na ‘Front-Seat Foodies’ kung saan mapapanood silang bumibisita sa iba’t ibang restaurants at nagro-roadtrip together.

Samantala, kasalukuyan pa ring napapanood si Gabbi bilang host ng programang ‘In Real Life’ tuwing Huwebes sa GTV at tuwing Linggo sa ‘All-Out Sundays’ sa GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Kapamilya Online Live 24/7 na sa YouTube, mapapanood sa mas maraming bansa

KZ Tandingan at TJ Monterde, inalay ang ‘Dodong’ at ‘Inday’ sa isa’t isa