Buo pa rin ang tiwala ng mga Pilipino sa ABS-CBN at kay Vice Ganda matapos parangalan sila ng Gold Award at Most Trusted Entertainment/Variety Presenter sa Reader’s Digest Trusted Brands Awards 2021.
Sa ginawang virtual awarding noong Biyernes (Hulyo 30), lubos na nagpapasalamat ang ABS-CBN sa lahat ng Kapamilya na patuloy na sumusuporta sa kumpanya.
“We would like to thank all those who continue to support and trust ABS-CBN as we have transformed into a multiplatform content company in order to give service to the Filipinos wherever they may be. This achievement is testament to our solid commitment to serve our Kapamilyas with compelling and exciting content regardless of which platform ABS-CBN may be viewed,” ani ng ABS-CBN head of Trade Marketing and Partnerships na si Aine Unson. \
Samantala, panalo pa rin sa puso ng madlang pipol ang “It’s Showtime” at “Everybody, Sing!” host na si Vice Ganda, na muling kinilala para sa kanyang pagbibigay saya at inspirasyon sa mga Pilipino.
“Thank you very much and I really appreciate it and I am so happy that you are recognizing my job, my work, and my duty to always make the people happy. This award will always inspire me to continue making the people around the world, most especially the Filipino, happy,” ani Vice na tinanghal na awardee sa parehong kategorya sa ikatlong taon.
Ayon sa website ng Reader’s Digest Trusted Brands, ang ABS-CBN ay isang organisasyon na nagpapahalaga sa “excellence at innovation.”
“Since the shutdown of its broadcasting operations last year, ABS-CBN has continued to evolve and innovate by bringing its content to various online and television platforms. All these endeavors, new and old, exemplify ABS-CBN’s commitment to serve its audiences and give them the content they deserve, even when it means traveling down unfamiliar paths,” nakasaad sa naturang website.
Binabase sa isang survey na isinasagawa ng Reader’s Digest ang Trusted Brand Awards, kung saan libo-libong Pilipino ang bumuboto base sa tiwala, kredibilidad, kalidad, halaga, inobasyon, at serbisyo ng mga kumpanya at personalidad.
Nagsimula ang Reader’s Digest Trusted Brands Awards noong 1998. Patuloy nitong inaalam ang pamantayan ng karamihan sa pagpili ng serbisyo sa pamamagitan ng pakikipagusap sa mga tao tungkol sa mga tatak na pinagkakatiwalaan nila.
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa abs-cbn.com/newsroom.