in

Rayver Cruz, aprubado kay Gabby Concepcion!

Malaki ang tiwala ng batikang aktor na si Gabby Concepcion na mabibigyan ng hustisya ni Kapuso heartthrob Rayver Cruz ang kanyang role sa upcoming GMA adaptation ng ‘80s blockbuster movie na ‘Nagbabagang Luha.’

Sa naturang TV adaptation na mapapanood na simula August 2 sa GMA Afternoon Prime ay bibigyang-buhay ni Rayver ang karakter na naunang gampanan ni Gabby sa pelikula bilang si Alex, ang lalaking magpapa-ibig sa magkapatid na sina Maita (Glaiza de Castro) at Cielo (Claire Castro).

Sa naganap na ‘Pinoy Abroad Fun Connect’ ng GMA Pinoy TV ay nakatanggap ng good luck message si Rayver mula kay Gabby, “Do your own version. I know you’re gonna do good, Rayver and everybody else.”

Dagdag pa ng aktor, “Sa cast ng Nagbabagang Luha, be a version of yourself to be that role. Get out of your comfort zone and love and embrace that role. And I’m sure you’ll have a great time doing this teleserye, it’s a remake.”

Abangan ang world premiere ng Nagbabagang Luha simula August 2, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA. Mapapanood din ito abroad sa GMA Pinoy TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Julia Montes balik-TV, makakatambal si Coco Martin sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Restored version ng ‘Kung Mawawala Ka Pa’ nina Christopher de Leon, Dawn Zulueta, at Amy Austria palabas sa Sagip Pelikula Festival