in ,

Sanya Lopez, bibida sa ‘Wish Ko Lang’ ngayong Sabado

Nagtapos man ang Agimat ng Agila, hindi naman dapat malungkot ang fans ni Sanya Lopez dahil mapapanood sa darating na Sabado (July 31) ang Kapuso actress sa Wish Ko Lang. Bibida si Sanya sa huling installment ng month-long special episodes ng programa para sa ika-19th anniversary nito.

Makakasama niya sa episode na “To Love Again” sina Rita Avila, Anjo Damiles, Arny Ross, Yesh Burce, at Pipay. Kuwento ito ni Yasmin (Sanya) na nauwi sa hiwalayan ang marriage sa asawang si Rex (Anjo) dahil kay Sophie (Arny)–ang best friend ni Yasmin. Isa sa pinaka-naapektuhan sa hiwalayan nila ay ang nanay ni Yasmin na si Teresa (Rita) dahil napalapit na sa kanya si Rex. Four years later, nagsimula si Rex ng bagong buhay kasama si Sophie. Pero hindi pa makapagpakasal ang dalawa dahil ongoing pa rin ang annulment nina Rex at Yasmin. Magkakasakit naman si Teresa at kakailanganin ni Yasmin si Rex. May Alzheimer’s disease kasi si Teresa at ang naalala lang nito ay ang good memories nina Rex at Yasmin. Sa kanilang magiging set-up, tila mare-rediscover nina Rex at Yasmin ang feelings para sa isa’t isa at mare-rekindle ang kanilang pagmamahalan. Mapapraning naman si Sophie at iisiping gumaganti sa kanya si Yasmin.

Tuluyan nga kayang magkabalikan sina Rex at Yasmin?

Abangan ang “To Love Again,” sa Wish Ko Lang kasama si Vicky Morales, ngayong Sabado (July 31) pagkatapos ng Tadhana sa GMA.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Roxanne Guinoo at Joross Gamboa, magpapakilig sa ‘Hoy, Love You’ sa Kapamilya Channel at A2Z

MOR Entertainment at MYX Radio, nasa ABS-CBN Radio Service App Na