in

‘Madlang Pi-Poll’ ng ‘It’s Showtime,’ Humatak Agad Ng 45,000 Viewers

Higit sa 45,000 na manonood sa buong Pilipinas ang nakisaya sa pag-arangkada ng bagong segment ng “It’s Showtime” na “Madlang Pi-Poll,” ang kauna-unahang interactive game sa isang Pinoy noontime show kung saan pwedeng sumali ang mga nakatutok sa bahay.

Inilunsad noong Sabado (Hulyo 24) ang live segment kung saan maaaring makisagot ang viewers sa mga tanong at manalo ng mga papremyo gamit lamang ang kanilang laptop o mobile device.

Sa “Madlang Pi-Poll,” parehong sasagutin ng studio players at home viewers ang mga katanungang may katumbas na cash prize. Kapag nahulaan nang tama ng studio players ang sagot ng karamihan ng home viewers, sa pot money nila mapupunta ang premyo. Kapag hindi naman, sa pot money ng home viewers madadagdag ang premyo.

Unang sumabak bilang studio players ang mga komedyanteng sina Juliana Parizcova Segovia, Tonton, at Iyah Mina at nag-uwi ng kabuuang P45,000. Samantala, tatlong home viewers naman ang naghati-hati sa P60,000.

Niyakap agad ng mga netizen ang “Madlang Pi-Poll” kaya naman naging numero unong trending topic sa Twitter ang hashtag na #MadlangPiPollPower. Pinuri rin nila ang “It’s Showtime” para sa malikhain at makabagong paraan para maabot ang mga Kapamilya.

Sabi ni @whatsupjared, “Congratulations, Showtime fam and ABS-CBN! Sa kabila ng maraming limitasyon ng network, tuloy-tuloy pa rin ang innovation, pagpapasaya, at pagtulong sa madlang pipol. Maraming salamat, Kapamilya! #MadlangPiPollpower #KapamilyaForever”

Dagdag naman ni @iamivango2, “Hats off to @itsShowtimeNa! The Madlang Pi-POLL segment is another brilliant idea. It’s highly engaging & interactive. Nasa bahay ka lang pero pakiramdam mo studio contestant ka. One thing that makes the noontime show strong is its creativity & innovation.”

Para makasali sa laro tuwing Sabado, mag-log in sa www.joinnow.ph/showtime o i-scan ang QR code na ipapakita ng hosts sa screen habang nakatutok sa live segment sa “It’s Showtime.”

Maaaring maglaro ang lahat ng Filipino citizen na kasalukuyang naninirahan sa Pilipinas na 18 taong gulang at pataas, at may valid ID na sumali sa game. Para naman makapasok sa raffle draw at manalo ng papremyo, kailangang ibigay ang buong pangalan, address, edad, phone number, at e-mail address sa registration form na makikita pagkatapos sagutan ang huling tanong sa laro.

Iparinig ang boses at manalo ng papremyo sa pagsagot ng “Madlang Pi-Poll” sa “It’s Showtime” tuwing Sabado sa A2Z channel sa digital at free TV, Kapamilya Channel sa cable at satellite TV, sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Pilot episode ng ‘Legal Wives,’ mainit na tinanggap ng viewers!

‘Catch Me Out Philippines,’ balik-telebisyon na simula July 31