Masusubaybayan ng sambayanang Pilipino ang huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte tungkol sa estado ng bansa sa gitna ng pandemya sa pamamagitan ng “SONA 2021” special coverage ng ABS-CBN sa ABS-CBN News Channel (ANC), TeleRadyo, ABS-CBN News Digital, at Kapamilya Channel sa Lunes (Hulyo 26).
Mangunguna sa ANC special sina Karmina Constantino at Christian Esguerra sa isang ‘wall-to-wall coverage’ ng SONA mula alas-3 ng hapon hanggang 6:30 pm. Matutunghayan din ng ANC viewers ang mga panayam mula sa mga kinatawan ng iba’t ibang sektor ng lipunan upang matalakay ang kanilang pagsusuri sa SONA ng Pangulo, at ano pa ang dapat abangan sa termino niya, pati na ang mga reaksyon at komento ng netizens sa SONA.
Simula alas-11 ng umaga naman, mangunguna si Stanley Palisada sa isang SONA special sa ANC na hihimayin ang iba’t ibang isyung bumabalot sa bansa sa ilalim ng administrasyong Duterte sa huling limang taon. Bago pa ang inaabangang SONA sa Lunes, nagbibigay na ang ANC ng ulat at diskusyon tungkol sa pang-anim na SONA ni Pangulong Duterte sa major newscasts nito.
Para sa mga tagasubaybay ng TeleRadyo, magsisimula ang “SONA 2021” special coverage mula ala-1 ng hapon sa Lunes at pangungunahan ito ng mga mamamahayag na sina Henry Omaga-Diaz, Karen Davila, Peter Musngi, Rica Lazo, at Ricky Rosales. Bukod sa diskusyon at mismong live coverage ng SONA, mapapanood din sa TeleRadyo ang live reports sa araw ng SONA. Pwede ring pakinggan at panoorin ang pagbabalita ng TeleRadyo gamit ang ABS-CBN Radio Service App at ABS-CBN News App.
Maaari ring mapanood ang “SONA 2021” sa live stream ng news.abs-cbn.com, at sa Facebook at YouTube accounts ng ABS-CBN News, o sa facebook.com/ABSCBNNews, at sa youtube.com/ABSCBNNews sa Lunes. Tampok din sa website ng ABS-CBN News ang mga ulat na sumisiyasat sa mga naging pangako ng Pangulo noong kanyang kampanya at kung natupad ng aba ang mga ito ng gobyerno. Makikita sa SONASERYE reports ang mga malalaim na pag-uulat tungkol sa estado ng ekonomiya, korupsiyon, kalusugan, war on drugs, at foreign policy mula sa mga mamamahayag ng ABS-CBN.
Sa mga nakatutok naman sa Kapamilya Channel, mabibigyan sila ng regular na updates mula sa News Patrol at “TV Patrol.”
Patuloy ang ABS-CBN News sa paghahatid ng balita at impormasyon sa mga Pilipino at pagpapaliwanag ng mga isyu para mas maintindihan ng madla. Huwag palampasin ang huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes (Hulyo 26) sa ANC, TeleRadyo, ABS-CBN News Digital, at Kapamilya Channel, pati na rin sa TFC, iWantTFC, at social media platforms at YouTube channels ng ABS-CBN News.
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.