in

Mga Guro, wagi ng P500,000 jackpot sa ‘Everbody, Sing!’

Perpekto ang marka sa jackpot round ng mga gurong songbayanan ng “Everybody, Sing!” ngayong gabi (Hulyo 18) kaya sila ang pangatlong winner ng P500,000 sa community singing game show ng ABS-CBN kasama si Vice Ganda.

Hindi magkamayaw ang palakpakan at sigawan dahil sa naging A+ at bibong performance ng mga titser sa show, na napapanood sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Ani Vice na nagdamit ala Elsa ng “Frozen,” nararapat na ipagbunyi ng mga guro ang kanilang pagkapanalo dahil ‘deserve’ nila ang P500,000 jackpot prize.

“Naging mahirap para sa mga mag-aaral ang matutuo dahil sa mahirap na online schooling, pero naging mahirap din ito para sa inyong mga guro. Kaya naman, maraming salamat sa pagtitiis ninyo. Deserve ninyo pumalakpak, sumigaw, at magtatatalon,” wika ni Vice.

Samantala, naging masaya rin ang episode ng “Everybody, Sing!” noong Sabado (Hulyo 17) dahil muling nagpaulan si Vice ng P100,000 para naman sa kapwa niyang mga komedyante, kabilang ang mga kaibigang sina Chad Kinis, MC, at Lassy.

Naging maganda ang simula ng songbayanan na comedy bar performers kaya nakaipon sila ng 102 segundo para sa jackpot round, na siyang pinakamataas na naitala sa programa. Subalit sa jackpot round, siyam na tamang sagot lang ang nakuha ng grupo na may katumbas na P45,000 na premyo.

“Hindi ko kayang matanggap [na hindi nanalo sa jackpot round] so I’m giving P100,000 para paghahatian ninyong lahat,” sabi ni Vice na naka-costume naman bilang si Big Bird.

Mensahe pa niya sa comedy bar performers, “Walang susuko. Alam ko maraming nalulungkot, maraming nade-depress, pero tatapusin natin ito at tayo ang mananalo rito. I love you all so much,” emosyonal na mensahe niya sa songbayanan ng comedy bar performers.

Aling songbayanan kaya ang susunod na mananalo ng kalahating milyon? Abangan ang “Everybody, Sing!” kasama si Vice Ganda at ang resident band na Six Part Invention tuwing 7 pm ng Sabado at Linggo sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. Para sa latest tungkol sa “Everybody, Sing!” i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram.

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Tenement 66’ ipapalabas na worldwide sa iWantTFC, KTX.PH, at TFC IPTV ngayong Hulyo 23

‘Prelude’ EP ni JMKO, pasilip sa naging pagsisimula niya sa industriya