in

Camille Prats, bubusugin ang viewers sa bagong cooking show

Tiyak na mai-inspire ang Kapuso viewers na mas maging fit and healthy sa pinakabagong cooking show ng Kapuso Network na ‘Knorr Nutri-Sarap Kitchen’ na mapapanood na sa August 15.

Bibida sa cooking show ang Kapuso actress, TV host, and celebrity mom na si Camille Prats.

Ibabahagi ni Camille ang ilan sa mga masustansya at masarap na recipe na kayang-kayang gawin ng mommies at siguradong magugustuhan ng bawat pamilya.

Bukod sa recipes, ibibida rin ni Camille ang inspiring stories ng mga Pilipinong lumaki sa mga nutritious at delicious meals na gawa ng kanilang mga ina.

Abangan si Camille sa kanyang bagong cooking show ngayong August 15 na sa GMA Network.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Sikat na K-Pop artists, tampok sa KTX.PH

‘Lolong,’ hindi lang sa buwaya iikot ang kuwento