in

Bonggang OPM Hits showdown tampok ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

Isang bonggang OPM hits showdown mula sa mga bigating singer sa bansa, celebrity transformations, at iba pa ang sasalubong sa mga manonood dahil patuloy ito na maghahatid ng world-class entertainment mula sa ang mga paborito ninyong Kapamilya idol ngayong Linggo (Hulyo 18) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Abangan ang isang bonggang OPM hits showdown mula kina Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, at Gary Valenciano kung saan aawitin nila ang kanilang cover ng mga kilalang Pinoy hits sa “The Greatest Showdown.”

Humanda rin mamangha sa “ASAP Transformation” performance nina Erik Santos, Nina, at dance hottie na si AC Bonifacio bilang international hitmakers na sina John Legend, Mariah Carey, at Janet Jackson.

Kantahan to the max naman ang pasabog ng new-gen ASAP divas na sina Elha Nympha, Sheena Belarmino, Zephanie, at Janine Berdin. Makiindak naman sa iba’t ibang sayawan, tulad ng kilig treat mula sa Kapamilya loveteams nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, Karina Bautista at Aljon Mendoza, pati nina Kyle Echarri at Francine Diaz; at ’90s throwback mula kina Maymay Entrata, Ronnie Alonte, Chie Filomena, Kurt Mendoza, Ashley Colet, Drey Brown, Ashley del Mundo, Jameson Blake, at Enchong Dee. Hindi rin magpapahuli sa hatawan ang ASAP dance royalty na si Kim Chiu.

Abangan din ang dream collab nina Jed Madela at Moira dela Torre at ipagdiwang naman ang Pinoy pride kasama ang BGYO.

Huwag palampasin ang proudly Pinoy at proudly-ASAP world-class performances sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Lolong,’ hindi lang sa buwaya iikot ang kuwento

GMA News YouTube channel, hitik sa exclusive videos!