in

Bianca Umali, palaban sa ‘Legal Wives!’

Kakaiba at mas palaban na Bianca Umali raw ang mapapanood sa much-awaited family drama series ng GMA Network na ‘Legal Wives.’

Bibigyang-buhay ni Bianca sa serye ang karakter ni Farrah, ang pangatlo at pinakabatang asawa ni Ismael – ang role ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Pagkukuwento ni Bianca, nakaka-relate raw siya sa ipinakitang katatagan ng kanyang karakter sa kabila ng karahasan na pinagdaan nito. “Nakaka-relate ako sa strength niya – sa strength niya to face the challenges na ibinigay sa kanya. Kasi kahit na wala siyang alam, kahit na hindi niya ini-expect ‘yung mga mangyayari sa kanya, hinarap niya pa rin ‘yun ng buong puso at hindi siya nawala sa sarili niya.”

Isang simpleng college student si Farrah na nag-aaral sa Maynila na magiging biktima ng karahasan ng isa sa kanyang mga kaklase. Ito ang magtutulak sa kanyang amang si Abdul Malik (Bernand Palanca) na ipakasal siya sa matalik na kaibigang si Ismael.

Bukod kay Bianca, gaganap din na mga asawa ni Dennis sa serye sina Alice Dixson at Andrea Torres. Mapapanood na ang natatanging kuwento ng ‘Legal Wives’ sa world premiere nito ngayong July 26 sa GMA Telebabad.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘FLEX,’ may bagong timeslot!

‘Tenement 66’ ipapalabas na worldwide sa iWantTFC, KTX.PH, at TFC IPTV ngayong Hulyo 23