in

Crystal Paras, na-starstruck kay Albert Martinez

Literal na na-starstruck ang Star Struck alumna na si Crystal Paras nang malaman niyang makakasama niya ang batikang aktor na si Albert Martinez sa anniversary episode ng “Wish Ko Lang!”

“Nung nalaman kong makaka-eksena ko si Sir Albert, lalo na nung nakita ko na po siya sa set, parang namanhid kamay ko sa halong excitement at kaba,” pagbabahagi ng young Kapuso star na may pagka-kontrabida ang role sa nasabing episode. Gaganap si Crystal na girlfriend ni Kelvin Miranda habang si Albert naman ang tatay ni Kelvin sa episode.

“Lalo na’t alam kong pa-kontrabida ako towards his [Albert’s] character, na-imagine ko na agad habang company call how exciting it would be to work with him,” dagdag pa niya.

Masaya rin si Crystal na makasamang muli ang kanyang co-star sa The Lost Recipe na si Kelvin at makatrabaho si Cai Cortez. “It was an amazing experience to work with such experienced and generous actors like Miss Cai and Kelvin, as well.”

May pinaghahandaan ng bagong project si Crystal pero bago ito, dapat din siyang abangan as a singer naman dahil isa siya sa mga kumanta ng theme song para sa susunod pang anniversary episode ng Wish Ko Lang.

Mapapanood naman ang kanyang karakter sa “A Second Chance” episode ng Wish ngayong Sabado, 4 pm sa GMA Network!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN stars, tumanggap ng 23 parangal!

Jay Arcilla, aminadong naging pilyo noong bata pa