in

Pagiging updated sa balita, mas pinadali pa ng ABS-CBN News app

Mas pinadali pa ang pakikibalita para sa mga Pilipino sa bagong ‘listen’ at ‘voice search’ features ng ABS-CBN News App.

Sa pamamagitan ng ‘listen’ feature, pakikinggan na lang ng gumagamit ang mga ulat sa app na mainam para sa mga laging nasa biyahe o kaya ay maraming ginagawa at hindi makatututok sa binabasa.

Pindutin lamang ang ‘Listen to article’ icon sa menu sa bandang taas ng app at agarang maririnig ang tinig na siyang babasa sa artikulo.

Samantala, mas madali na ring maghanap ng istorya sa ABS-CBN News App gamit naman ang boses. Magagamit ang ‘voice search’ sa mga Android device na may “text-to-speech function” sa pamamagitan ng pag-tap sa microphone button sa kaliwang banda sa itaas ng screen ng app. Pagkatapos ng prompt na “Speak Now,” bigkasin lamang ang paksa o mga salita kaugnay ng hinahanap na ulat at lalabas ang resulta agad-agad.

Magagamit rin ang boses para paganahin ang ‘listen’ feature. Sabihin lang ang salitang “play” kasunod ang salitang “Top Stories” o kaya “Editor’s Pick” o “Article.”

Sa mga bagong feature na ito, umaasa ang ABS-CBN News na mabigyan ng mas maayos na karanasan ang mga gumagamit ng ABS-CBN News App na mada-download ng libre sa Google Play Store at Apple App Store.

Una itong inilunsad noong 2019, bilang bahagi ng ebolusyon ng ABS-CBN News upang matugunan ang pangangailangan ng mga tagasubaybay nito sa digital. Bukod sa maiinit na balita at “personalized” news feed, pwede ring pakinggan sa app ang audio streaming ng TeleRadyo at mapanood ang iba-ibang news program and coverage ng ABS-CBN News.

Para sa balita, i-download ang ABS-CBN News App o i-follow ang @ABSCBNNews sa Facebook at Twitter, mag-subscribe sa ABS-CBN News YouTube channel, o pumunta sa http://news.abs-cbn.com. Para sa ABS-CBN updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bumisita sa http://abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Thanksgiving party ng ‘ASAP Natin ‘To,’ nag-trending nationwide

May hirit sa kanyang debut solo single… ‘Please Na Miss Kita,’ pakiusap ni JC Alcantara