Inihahandog ng Viva International Pictures at MVP Entertainment ang Diva, ang South Korean mystery thriller kung saan masusubok ang katinuan ng isang diving champion. Mapapanood ito sa Vivamax simula July 15, 2021.
Si Lee-young ay kinikilalang “Diva of the Diving World” dahil siya lagi ang nagwawagi ng ginto sa mga kumpetisyon. Ang kanyang kaibigan na si Su-jin ay mahusay rin sa larangang ito, ngunit lagi lamang siyang nasa anino ni Lee-young.
Sa kagustuhan niyang ibahagi ang atensyon ng madla kay Su-jin, nagpasya si Lee-young na sumali silang dalawa sa synchronized diving. Ngunit isang malagim na aksidente ang nangyari sa dalawa. Tumilapon ang kanilang sasakyan sa dagat, at nawalan ng memorya si Lee-young, samantalng hindi na lumutang pa si Su-jin.
Hindi man siya makaalala, determinado pa rin si Lee-young na mapanatili ang kanyang kasikatan. Habang unti-unting bumabalik ang kanyang alaala, may mga eksenang pumapasok sa kanyang isip at may nalalaman siyang mga bagay tungkol kay Su-jin na labis na nagdudulot sa kanya ng matinding takot.
Ang papel na Lee-young ay ginagampanan ni Shin Min-a, na kilala sa My Love, My Bride (2014) at My Girlfriend is a Gumiho (2010), habang si Su-jin ay ginagampanan ni Lee Yoo-young, na kilala sa The Soul-Mate at Marionette.
Ito ang unang pelikula ni Shin Min-a matapos ang anim na taon. Ang mga papuri ng mga kritiko at ang kanyang nominasyon para sa Best Actress sa 2020 Blue Dragon Awards ay patunay na hindi nawala ang kanyang galing sa pag-arte.
Panoorin na ang DIVA ngayong Hulyo. Mag-subscribe gamit ang VIVAMAX app. Sa halagang P29, mag-unli-watch na for three days, P149 for 1 month o P399 para sa tatlong buwan para mas sulit, at pwede kang magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google or Apple account.
Maaari ding mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.
Pwede ding mag-add to cart ng VIVAMAX subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore.
Maaari ding magbayad ng VIVAMAX subscription plans sa mga authorized outlets na malapit sa inyo: Load Central, ComWorks at Load Manna.
At pwede ding tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Sky Cable, Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cable Link, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect, Z-energy Cable TV Network Inc., DCTV Cable Network, Pacific Kable Net, Pakil Cable, Kabankalan Community Antenna Television, Inc., and Fil Products-Dumaguete.
Mas madami at mas madali na ang mag-scubscribe sa VIVAMAX, kaya naman, #SubscribeToTheMax na! Vivamax, atin ‘to!