in

Trending costumes ni Vice Ganda sa ‘Everybody, Sing!,’ pinag-isipan nang husto

Audrey Hepburn, Princess Diana, Cher, Cruella at marami pang iba. Iyan lamang ang ilan sa mga sikat na personalidad at karakter na ginaya ni Vice Ganda sa “Everbody, Sing!” na nagbibigay ng dagdag aliw sa viewers ng kanyang game show sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.

Sa likod ng magagarbong costume at look ni Vice ang mahusay na stylist na si Aron Mangsat, na siyam na taon nang katrabaho ni Vice. Kwento niya, gusto ni Vice na ibahin naman ang looks niya sa community singing game show.

“She [Vice Ganda] wanted a new take on hosting eh. We’ve done GGV for almost nine years and gusto niya mag-veer away from the typical suit and pants,” ani Aron.

Para raw mabuo ang iba’t ibang costume ni Vice sa “Everybody, Sing!,” todo raw ang planning ng dalawa upang mabigyang hustisya ang icon na gagayahin.

“Working with Vice is always a collaboration. To give you an overview, we both make a list tapos pagbabanggain namin. Mostly inspired ng popular icons and we give it ng twist. In terms of production, as much as possible, a week or two,” pagbabahagi ni Aron, na stylist din ng iba pang Kapamilya stars tulad nina Inigo Pascual, Kyle Echarri, Tony Labrusca, Aljon Mendoza, at Ronnie Alonte.

Para kay Aron, ang Audrey Hepburn ang isa sa pinaka memorable na transformation ni Vice dahil parang unang beses na may dalang bag ang isang host. Memorable rin daw para sa kanya ang Princess Diana look ni Vice.

Natutuwa rin daw si Aron na aprub sa viewers ang mga nilikha nilang costumes para kay Vice, na laging trending sa social media.

“Happy and nakaka-pressure dahil need sundan ang bawat looks eh. Dapat mas elevated from week to week. Stay tuned lang sila every week kasi marami pang naka-bangko na episodes na for sure maaaliw sila,” sabi ni Aron.

Talagang inaabangan ang mga look na ginagawa niya para kay Vice Ganda sa “Everybody, Sing!” dahil dito hinuhugot ang mga pinapasagot na tanong sa songbahayan o viewers sa “Vice Sing Ganda” na segment.

Samantala, nag-uwi naman ng P40,000 ang PGH employees at volunteers na sumalang bilang songbayanan noong Sabado (Hulyo 3), habang P20,000 ang premyong paghahatian naman ng songbayanan na contact tracers na bumida noong Linggo (Hulyo 4) sa game show kung saan walang magkakalaban at walang uuwi ng luhaan.

Sinong pop culture icon na naman kaya ang gagayahin ni Vice Ganda? Meron na Abangan ang “Everybody, Sing!” kasama si Vice Ganda at ang resident band na Six Part Invention tuwing 7 pm ng Sabado at Linggo sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC. Para sa latest tungkol sa “Everybody, Sing!” i-follow ang @EVERYBODYSINGPH sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, at Instagram, o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Christopher de Leon, first time gagampanan ang karakter sa ‘Wish Ko Lang!’

‘The World Between Us,’ usap-usapan ang pilot episode!